Chapter 54

206 10 0
                                    

C H A P T E R  54...........

"Ano ito?"

Tanong sa kanya ni Brent habang kinakalkal ang bag niya dahil trip lang daw nito at baka daw kasi mamaya ay may itinatago siyang drugs doon.

Kakaunti lang sila sa classroom ngayon dahil ang iba nilang mga kaklase ay nasa labas, nasa library o kaya naman ay nasa corridor. Project making lang naman kasi sila ngayong time ng science subject nila

"Huwag mong pakielaman 'yan"

Sabi niya dito habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa. Wala atang balak gumawa ng project si Brent dahil kanina pa itong nangungulit sa kanya.

"Ano nga ito?"

Pangungulit pa nito at tiningnan niya ito saka nakitang hawak nito ang tshirt nilang dalawa ni Dian na binili pa niya kahapon sa mall.

Pumunta kasi sila ng mommy niya sa mall kahapon para mamili ng ilang mga gamit sa bahay.

Nang napadaan sila sa isang shop na puro couple tshirt ang binebenta ay nagtingin-tingin siya doon at nakita niya ang friendship tshirt na sa tingin niya ay babagay sa kanila ni Dian.

Grey ang kulay niyon at sa isang tshirt ay may nakaprint na burger at sa taas ay 'Best' samantalang ang isa namang tshirt ay may nakaprint na softdrinks at sa taas ay 'Friends'.

"Tshirt, malamang!"

"Alam kong tshirt ito pero para saan? Bakit parang couple tshirt ito?"

Inagaw niya ang tshirt dito saka muling isinilid iyon sa loob ng kanyang bag.

"Huwag kang maingay, ibibigay ko 'yan kay Dian mamaya"

"Wow, ang sweet mo naman na bestfriend. Tayo ba? Nasaan na 'yong tshirt nating dalawa?"

Nakangiting tanong nito sa kanya ngunit siya ay ginulo lang ang buhok nito.

"Pinapagawa ko pa"

"Talaga?"

"Syempre, joke lang"

Natatawa niyang sabi at ito naman ang gumulo ng buhok niya.

"Pagawa tayo, dali! Sa'yo ay demon tapos sa'kin ay angel"

Nakangiting sabi nito at hindi naman niya mapigilan ang matawa.

"Ako pa talaga ang demon sa ating dalawa?"

"Sadya naman ah! Ikaw ang demon at ako ang angel! Ang bait-bait ko kaya!"

"Oo na lang! Dapat sa'yo ang demon at akin ang angel"

Kasi monster ka...moody monster!

Natawa din ito saka kinagat ang braso niya.

"Aray! Bakit ka ba nangangagat?"

"Sabi mo demon ako, 'diba?"

Natatawang tanong nito at natawa na rin siya.

"Kapag demon ba ay sadyang nangangagat talaga? Grabe ha?"

"Hindi, ako lang ang demon na ganoon"

Tila proud pa sa sarili nitong sabi sa kanya kaya naman natawa siya

"Sira ka"

"Sira, sa'yo"

Sabi pa nito saka kumidat sa kanya habang matamis na nakangiti.

"Gumawa ka na nga lang din d'yan ng project mo. Wala ka bang balak na magpasa? Paano ka makakasama sa achievers n'yan?"

"Nakakatamad pero sige, nakarequest ka eh"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon