C H A P T E R 50...............
"Pious, may New Year's Mass tayo ngayon kaya pumila na kayo sa labas at kumuha na kayo ng mga monoblock chairs niyo para makapasok na agad tayo sa simbahan"
Sabi ni Ma'am Celine sa kanila kaya naman pumila na sila sa corridor.
"Tapos na naman ang New Year kaya bakit may pamass-mass pa?"
Tanong ni Jankin at tumawa naman si Dhaine.
"Manahimik ka na nga lang, baka makinig ka ni Ma'am Celine. Yari ka na naman sa kanya"
"Hayaan mo tsaka bakit ba tayo na naman ang magdadala ng upuan? Kotang-kota na tayo ah?"
Reklamo pa ni Jankin na halatang ipinakikinig talaga iyon kay Ma'am Celine.
"Mika, may candy ka?"
Tanong sa kanya ni Dian at tumango naman siya. Alam niya kasing magkakaroon ng New Year's Mass ngayon kaya naman nagbaon na siya ng ilan candies para kay Dian.
"Oo naman, alam ko kasing 'yon agad ang una mong hahanapin ngayon"
"Ang sama mo naman masyado sa'kin"
"Hindi pa pwedeng kilala na talaga kita, bestfriend?"
Natawa silang dalawa saka binigyan niya ito ng ilang candies.
"Dian, pupunta lang muna ako sa c.r"
"Sasamahan pa ba kita?"
Natatawang tanong nito sa kanya at umiling naman siya.
"Hindi na ako bata"
"You know? Girls habit?"
Natawa na lang siya saka bumaba na para pumunta sa girl's c.r at nakita naman niya doon sina Annie at Aeze na magkasama.
"Mika, may dala kang candy?"
Agad na tanong sa kanya ni Annie nang makapasok siya sa c.r. Mahina naman siyang natawa dahil katulad na katulad ito si Dian.
"Pati ba naman ikaw?"
"Boring 'yong misa mamaya eh"
Kumuha siya ng ilang candies sa bulsa ng palda ng uniform niya saka ibinigay iyon dito. Tumingin namaj siya kay Aeze.
"Ikaw ba? Gusto mo rin?"
"Huwag na, baka mahuli ako ni Ma'am"
"Wow, good girl huh?"
Natatawang kumibit balikat ito saka siya pumasok na sa cubicle. Nang makalabas siya sa cubicle ay wala na ang dalawa kaya naman nanalamin na lang siya.
Inayos niya ang buhok niya na hindi naman ganoon kagulo. Nang makalabas naman siya sa c.r ay agad na bumungad sa kanya si Brent.
Muntikan na siyang mabangga sa katawan nito dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isat. Hindi rin tuloy maiwasang magwala ng puso niya.
"K-kailangan mo?"
Agad na tanong niya dito habang pinipilit na itago ang pamumula ng pisngi dahil nakatitig lang ito sa kanya habang nakangiti.
Baka kasi pati marinig nito ang kalabog ng puso niya kung hindi pa siya magsasalita.
"Wala lang"
"Lagi ka namang si wala lang"
Aakyat na sana siya sa hagdan papunta sa taas para makaiwas dito nang magsalita itong muli.
"Wala na sila d'yan sa taas"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.