Chapter 27

284 17 0
                                    

C H A P T E R  27.........

"Recollection na pala agad natin bukas?"

Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Kristen at tumango naman siya. Excited na nga siya para bukas dahil talagang masaya ang recollection nila.

Sa St. James Senior High school Campus nila gaganapin ang recollection nila at okay lang kung hindi sila lalayo ng lugar katulad nina Gino dahil masaya naman kahit saan.

Naging masaya sila nitong mga nakaraang araw dahil dumaan na ang teacher's day nila. Sinurpresa nila si Ma'am Celine at natuwa naman ito sa ginawa nila.

Kaunting pag-aayos lang naman ang ginawa nila dahil dalian na talaga. Nagkaroom sila ng ambagan para bumili ng cake at ang mga extra colored paper nila ay ginamit nalang nila para sulatan ng 'Happy Teacher's Day'.

May bagong project din sila sa MAPEH kaya naman laging may dalang speaker si Ace para makapagpractice ng sayaw.

Tuwing hapon ay nagpapatugtog ito kapag dismissal na kaya naman parang may party sa classroom nila tuwing hapon.

Tuwing hapon din ng TGFS time nila ay kinakausap siya ni Ma'am Celine kung may pagbabago ba daw kay Brent.

Minsan naman ay marami siyang nasasabi na magagandang pagbabago kay Brent kaya lang mas marami pa rin ang negative na nasasabi niya.

Hindi naman niya ito pwedeng pagtakpan dahil inaasahan ni Ma'am Celine na magsasabi siya ng totoo dito.

"Mika, paano kapag nag-asawa ka? Saan mo gustong tumira?"

Biglang tanong sa kanya ni Gela at hindi naman niya mapigilan ang matawa. Nagsusulat lang sila ngayong time ng filipino subject nila at tahimik ang buong klase.

"Asawa agad?"

"Basta, saan mo nga gustong tumira?"

Sasagot na sana siya nang biglang sumingit si Brent sa usapan nilang dalawa.

Inakbayan na naman siya nito saka tumingin kay Gela at ito ang sumagot sa tanong na itinanong nito sa kanya.

"Sabi kasi sa'kin ni Mika ay mas gusto daw niya kung sa paradise garden kami titira"

Nakangiting tumingin ito sa kanya at mahina namang natawa ang mga kasama nila.

Ang paradise garden kasi na tinutukoy nito ay ang pangalan ng isang pribadong sementeryo na ilang kilometro lang ang layo sa school nila.

"Mag-isa ka!"

"Bakit? Sinabi mo kaya sa'kin 'yon tapos sabi mo pa nga sa'kin na ang gusto mong anak ay babae"

"Hoy! Wala akong sinasabing ganoon!"

Pagtutol niya sa mga kasinungalingang sinasabi ni Brent dahil baka mamaya ay dagdagan pa nito iyon ng ano-anong bagay.

Baka din mamaya ay maniwala pa ang mga nakapaligid sa kanila na ngayon ay nakikinig sa usapan nila.

"Oo tapos ang sabi mo pa nga na ang gusto mong pangalan ay...Breka?"

Halatang inisip pa nito ang pangalan 'daw' ng gusto niyang maging anak.

"Breka?"

Sabay sabay na tanong nina Ace, Gela at Kristen.

"Oo, pinagsamang Brent at Mika. Ayos 'diba?"

Halos matawa siya sa mga pinagsasasabi ni Brent. Natawa din naman ang tatlo at ngumuso naman si Brent.

"Ayos nga naman! Anong magiging trabaho mo, Brent? Paano mo bubuhayin sina Mika at si Breka?"

Tanong pa ni Gela na ngayon ay interesadong-interesado sa mga magiging sagot pa ni Brent.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon