Chapter 65

294 11 0
                                    

C H A P T E R  65..........

"Score mo?"

Tanong sa kanya ni Lei at ibinigay na lang niya ang test paper niya dito para makita nito ang score niya. Katatapos lang kasi nila machecking ng huling subject na dapat nilang chekan.

"Uy! Anong score mo?"

Tanong naman sa kanya ni Preshie at tahimik na itinuro niya ang papel niya na hawak ni Lei.

"Mika, ang tahimik mo naman. Okay naman itong score mo ah? Bakit parang ang lungkot mo?

Tanong ni Lei sa kanya at tumingin naman siya dito.

"Hindi naman ako malungkot ah?"

"Bakit mo pa ba tatanungin 'yan? Lagi namang gan'yan sumagot 'yan"

Natatawang sabi ni Preshie saka ibinalik nito sa kanya ang papel niya.

"Bakit kasi hindi pa kayo mag-usap? Malapit na ang bakasyon natin, Mika"

Sabi ni Lei at malungkot na napatingin naman siya kay Brent na ngayon ay halatang wala sa mood habang nakaupo sa tabi ni Elwyn.

Napabuntong hininga siya saka umub-ob na lang sa desk ng arm chair niya.

Kung okay lang sana sila nito ngayon ay siguro, nandito ito ngayon sa tabi niya at ipinagmamayabang nito sa kanya ang score na nakuha nito o 'di kaya naman ay aasarin siya nito dahil hindi man lang siya nagpakopya ng sagot.

"Mika..."

May kumulbit sa kanya at pagtunghay niya ay nakita niya si Annie kaya kunot noo niya itong tiningnan.

"Bakit?"

"Kukuha ka ba ng tshirt para sa family day?"

Tanong nito at naalala niyang nalalapit na nga pala ang family day celebration nila.

"Oo nga pala, pwede na ba daw kumuha?"

Tanong niya dito at tumango naman ito.

"Oo, pwede na daw sabi ni Ma'am"

"Kukuha ka ba?"

"Oo, tara?"

Tanong nito at tumango naman siya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nagpunta sila nito sa unahan kung nasaan nakaupo sa teacher's table si Ma'am Celine ngayon.

"Ma'am, pwede pa po ba bukas?"

Naabutan nilang kausap ni Ma'am si Dhaine.

"Oo naman, pwede pa"

"Ma'am, magkano po kapag large?"

Tanong naman ni Vien dito at sinabi ni Ma'am kung magkano.

"Ang laki mo naman para sa large, Vien"

"Malaki ba 'yon?"

"Oo"

Maraming nakapalibot kay Ma'am ngayon para kumuha ng tshirt para sa family day kaya naman medyo natagalan sila ni Annie.

"Mika, anong size ang kukuhanin mo? Ikukuha mo ba ang pamilya mo?"

Tanong ni Ma'am Celine sa kanya at tumango naman siya.

"Opo, Ma'am. Lima po ang kukuhanin ko. Dalawa pong medium, isang size ten at twelve tapos po isang extra large"

Sabi niya dito at isinulat naman nito ang mga size ng tshirts na sinabi niya.

"Next monday ay makukuha mo na ito"

"Sige po, pwede na rin po bang bayadan ngayon?"

"Oo naman"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon