Chapter 45

240 11 3
                                    

C H A P T E R  45..............

Dalawang subject lang ang aabutin ng oras nila ngayong umaga dahil namaya ay may misa. Filipino time nila ngayon at Sir Vie ang teacher nila.

Kanina pa mainit ang ulo nito lalo na at ang ingay ng mga lalake sa klase nila ngunit halatang nagpipigil lang ito.

"Kien, saluhin mo!"

Pasigaw na sabi ni Jankin saka may ibinato na kung ano kay Kien na sinalo naman nito. Hindi alintana ng dalawa ang nagdidiscuss na teacher sa unahan.

"Jankin!"

Pagalit na tawag ni Sir Vie kay Jankin dahilan para manahimik silang lahat. Agad namang lumingon si Jankin dito habang natatawa pa rin.

"Sir? Bakit po?"

"Pumunta ka dito sa unahan!"

Pumunta si Jankin sa unahan at ni isa sa kanila ay walang imik dahil sa takot na baka sila naman ang mapagbuntungan ni Sir Vie ng galit.

"Sagutan mo itong lahat ng nasa board"

Sinagutan ni Jankin lahat dahil madali lang naman iyon. Kailangan lang lagyan ng tamang apostrope ang mga salita na nakasulat doon.

May isang number na nagkamali si Jankin at buburahin na sana nito iyon gamit ang eraser ng board ngunit inagaw iyon ni Sir Vie mula dito.

"Kanina mo pa nilalaro 'yang towel mo, 'diba?"

Tanong ni Sir Vie, pagtukoy sa hawak na asul na bench and bath towel ni Jankin.

"Opo, bakit?"

"Burahin mo lahat 'yang nasa board gamit 'yan"

Nagulat silang lahat sa sinabi ni Sir Vie dahil sobra-sobra naman ata iyon.

Hindi kumilos si Jankin kaya naman mas lalo silang nagulat nang si Sir Vie na ang kumuha ng towel nito at ito na din ang nagbura ng mga nakasulat sa board gamit iyon.

"Sobra naman ata si Sir"

Pabulong na sabi niya kay Zyrina dahil baka makinig siya ni Sir.

"Hindi lang sobra kung 'di sobra-sobra talaga. Bawal kaya 'yang ginagawa niya, kahit naman makulit si Jankin ay hindi pa rin tama na gawin niya 'yan. That's an example of child abuse"

Tumango-tango siya saka nakangiting tumingin kay Zyrina.

"Pwede ka na maging lawyer"

"Already planning to"

Nakangiting sagot nito at namangha naman siya. Bagay na bagay itong maging lawyer dahil sobrang galing nito mangontra. Hindi na siya magtataka kung matutupad iyon.

Ibinalik niya ang atensyon sa harapan at pinaupo na muli ni Sir Vie si Jankin sa upuan nito. Nagpatuloy lang ito sa pagdidiscuss habang wala ng ibang nangahas pang mag-ingay sa klase kanila.

May magsasalita lang kapag may gustong sumagot o kaya naman ay kapag may tinawag ito upang magbasa.

Ngayon lang kasi naging ganito ka-wild si Sir Vie sa klase nila. Palagi itong masaya at kahit maingay sila ay lagi sila nitong pinagpapasensyahan.

Ngunit ngayon ay ibang iba ito napakadali nitong mapikon. Habang nagdidiscuss ito ay bigla namang tumawa sina Vien, Yakisu at Elwyn.

Agad na tumalim ang tingin ni Sir Vie sa tatlong lalake lalo na at nasa gitna pa naman ang mga ito. Walang ano-ano ay bigla na lang ibinato ni Sir Vie ang isang box ng chalk sa direksyon nina Vien.

At dahil si Vien ang nasa gitna ng mga ito ay ito ang tinamaan ngunit sa paa lang naman iyon habang nagdumi naman ang navy blue na seda pants nga mga ito dahil sa powder ng chalk.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon