Page 4

855 22 0
                                    

Matagal na rin nang magsimula ang first day of school nila at kahit ngayong first quarter palang ay nararamdaman na nila ang hirap ng pagiging grade 9.

Maayos naman ang mga kaklase niya ngunit mayroong pag-aaway lang minsan dulot ng hindi pagkakasundo pero naaayos din naman lalo na at nand'yan si Ma'am Celine.

"Anong color ng booklet mo?"

Tanong sa kanya ni Dian at ang ibigsabihin nito ay ang booklet na sinasagutan nila sa library na isa sa mga requirements sa English subject nila.

Bawat booklet na sasagutan ay dapat maipasa ang apat at kapag naipasa na ay pwede ng magmove sa next level or next color.

Grade 7 pa lang ay ginagawa na nila ito para itest ang comprehension skills nila. Pataas ng pataas ang level ay pahirap ng pahirap at padami ng padami ang mga tanong.

"Violet na"

"Wow, ang bilis mo naman!"

"Hindi naman kasi ako dumadaldal"

Sabi niya saka natawa at nagpout naman ito.

"Grabe ka sa'kin!"

Nauna na siya sa paglalakad pabalik sa classroom nila dahil tapos na ang session nila sa library.

Bigla naman siyang nagulat nang makita si Brent sa tabi niya.

"Bangs!"

Nakangiting asar nito saka pinaglaruan pa ang bangs niya bago naunang tumakbo pabalik sa classroom nila.

Ang adik talaga non! Close tayo?

Pagkabalik nila ng classroom ay next subject na at siya ang prayer leader.

Habang inaantay tumahimik ang mga kaklase ay nakatayo na siya sa unahan at nakaharap sa mga ito. Kaharap niya si Brent dahil sa unahan ito nakaupo.

"Mika, 'diba?"

Tanong nito at tumango na lang siya bilang sagot saka tumingin sa teacher nila ngunit sinenyasan siya nito na 'wag munang magsimula dahil maingay pa rin.

"Bakit ka nagpabangs?"

Tanong ulit ni Brent at kumibit balikat na lang siya. Ayaw niyang sagutin ito dahil baka asarin na naman siya nito.

Sinenyasan siya ng teacher na magsimula na dahil tahimik na ang lahat kaya naman nagsimula na siyang magdasal.

"TGFS mamaya, ano kayang gagawin?"

Tanong sa kanya ni Jankin at kumibit balikat naman siya dahil hindi rin niya alam.

"Baka magpapadrawing na naman si ma'am ng bahay"

"Grade nine na tayo, hindi na tayo mga bata"

"Nagsalita ang hindi isip-bata"

Bulong niya sa sarili at mukhang nakinig naman ito 'yon.

"Anong sinabi mo?"

"Wala, ang bingi mo"

"Gwapo naman"

Umiling-iling na lang siya saka hindi na lang nagsalita. Dumating ang TGFS time nila at binigyan sila ng isang brown paper.

Hinati iyon sa dalawa kaya naman tigkalahati sila ni Jankin. Hahanapan daw nila ng adjectives ang bawat letra ng nickname ng pangalan nila.

M- merciful
I- intelligent
K- killjoy
A - adorable

'Yan ang ginawa niya dahil wala naman siyang maisip na iba kaya 'yan na lang ang inilagay niya.

Merciful kasi maawain naman siya kahit papaano. Intelligent dahil sabi ni Dian ay ilagay niya. Killjoy? Wala lang, nailagay lang niya. Adorable? Bakit hindi 'diba?

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon