C H A P T E R 59.............
"Kailangan ba 'yan?"
Tanong niya kay Brent dahil panay lang ang lagay nito ng kung ano-anong mga pagkain sa cart nila na wala namang kahit na anong kinalalaman sa ibebake nila.
Pagkatapos ng misa kanina ay inantay pa niya ito dahil nagkaroon pa daw ang mga ito ng meeting kasama ang iba pang mga sakristan.
Medyo may katagalan nga lang siyang nag-intay dito ngunit sulit naman iyon lalo na nang makita niya ang ngiti nito habang papalapit sa kanya.
Agad siyang kinulit at inasar nito dahil ang tagal daw niyang dumating kanina. Pinalabas pa talaga nito sa kanya na ito ang nag-intay ng matagal sa kanya.
Ngayon naman ay nasa Puregold sila para mamili ng mga ingredients at halos mag-iisang oras na sila dito ngayon dahil sa dami nitong kalokohan.
Nag-eenjoy naman siya na kasama ito lalo na at ito ang unang beses na kasama niya ito sa labas ng school.
"Oo, kailangan ito"
Sagot nito saka inilagay sa loob ng cart na itinutulak nito ang tomato sauce.
Ito kasi ang nagtutulak ng cart nila habang siya naman ang naghahanap ng mga kailangang ingredients dahil siya ang may hawak ng papel na listahan ng mga iyon.
"Aanohin naman natin ang tomato sauce? Magbebake kaya tayo!"
"Para nga mas masarap!"
"Saan ka naman nakakita na ginamit sa pangpasarap ng binake na muffins ang tomato sauce?"
Tanong niya at nakangiting kumibit balikat lang ito sa kanya.
"Wala pa akong nakikita pero gagawa tayo ng world record kasi tayo ang unang gagawa non"
Natawa na lang siya saka kinuha ang tomato sauce na inilagay nito sa loob ng cart at ibinalik ito sa kinalalagyan nito kanina.
"Huwag kang puro kalokohan! Tara, humanap na tayo ng chocolate chips"
"Pahingi ako ha?"
"Gagamitin natin 'yon, anong pahingi ka d'yan?"
Natawa ito saka ginulo ang buhok niya sabay turo sa section ng mga ginagamit bilang sprinkles.
"Ayun oh"
Tinulak na nito ang cart at sumunod naman siya dito.
"Kasya na siguro ang dalawa 'no? Three fourth cup lang naman ang kailangan eh"
"Tatlohin mo na, para sa'kin 'yong isa"
"Para kang bata, Brent"
Natatawang sabi niya saka kumuha lang ng dalawang packs ng chocolate chips.
"Bakit 'di mo ako ikinuha?"
"Kapag may natira na lang sa gagamitin natin bukas ay sa'yo na 'yon"
Sabi niya at agad naman itong ngumiti sa kanya.
"Sige, ano pa bang mga kailangan natin?"
Muli niyang tiningnan ang listahan ng mga ingredients at nakita niyang lahat naman ng nakasulat doon ay nasa cart na nila.
"Okay na 'yan, tara na sa counter"
"Sandali lang, ikuha mo muna ako ng mogu-mogu"
Ungot nito na parang bata at muli siyang natawa saka umiling-iling. Nagpunta sila sa refrigerator kung saan nakalagay lahat ng cold drinks at kumuha siya doon ng isang mogu-mogu.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.