C H A P T E R 40..........
Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya alam kung bakit inis na inis siya.
Basta ang alam lang niya ay ayaw niyang marinig ang mga tawa ni Brent at Janelle habang masayang nagkukwentuhan sa may likodan niya.
Alam niyang mali na kainisan niya ang bagay na iyon ngunit hindi niya lang talaga mapigilan.
"Ang aga-aga ay barino ka na naman ata, Mika"
Sabi ni Zyrina habang nakikinig sila ng discussion sa science. Well, actually ay wala naman talagang nakikinig sa kanilang dalawa dahil ito ay nagssketch lang ng puno na sanga-sanga lang.
Habang siya naman ay distract na distract sa kulitan nina Brent at Janelle. Sa likod lang kasi niya nakaupo si Janelle at talagang si Brent ay lumipat pa ng upuan sa tabi ni Janelle para makakulitan ito.
Rinig na rinig niya ang mahihinang mga tawa nina Janelle at Brent. Ang sarap pagsabihan ng dalawa ngunit baka asarin naman siya ni Brent na nagseselos siya kasi hindi naman.
Hindi talaga! Ata? Kaunti? Medyo?
"Nakakawala kasi sa mood 'yang science na 'yan. Favorite ko pa naman 'yan noong elementary kaso ngayon ay hindi na. Ang hirap na kasi masyado, nakakabobo na"
Inis na inis na sabi niya kahit na hindi naman talaga siya sa science subject nila naiinis. Pero parang ganoon na nga rin iyon kasi naman ay napakahirap ng topic nila ngayon sa subject na ito.
Para tuloy gusto na lang niyang maging hotdog para wala na siyang problemahin sa buhay at para din hindi na niya makita na masayang magkasama sina Janelle at Brent.
"Oo nga eh pero 'di ko na lang pinoproblema 'yan. Wala namang mangyayari, bagsak pa rin ang grades ko d'yan"
Nakangiting sagot nito sa kanya at tiningnan naman niya ang kanina pa nitong pinagkaka-abalahan na sketch.
Sobrang ganda ng mga sanga sa puno na sketch nito kaya naman hindi niya maiwasan ang mapangiti.
May talent talaga sa pag-sketch si Zyrina kaya lang ay hindi katulad ng iba na puro mukha ang ginagawa, si Zyrina ay puro puno o bulaklak naman ang hilig na iguhit.
Ilang oras kaya bago makatapos ng isang sketch si Zyrina?
Knowing Zyrina kasi ay talagang napakabagal kumilos nito. Palagi nga itong late sa klase nila lalo na tuwing umaga ngunit parang sanay na sanay na ito.
Halos ilang oras din bago ito makatapos ng isang gawain sa bawat subject. Ang mga sulatin nito ay bihira na nga lang nito matapos dahil ang bagal nito magsulat.
"Pang ilang araw mo ng ginagawa 'yan?"
Pabirong tanong niya at natawa naman ito.
"Ang bad mo naman sa'kin, kanina ko lang ito sinimulan"
Natawa na lang siya saka napatingin kay Sir Arthur nang magsalita ito sa unahan .
"Ms. Del Vega, hindi ka na naman nagpasa ng written work mo kahapon"
"Sir, tatapusin ko pa lang po kasi"
Nakangiwing sagot naman ni Zyrina dito. Sa pagkakaalam niya ay hindi nga natapos ni Zyrina ang written work nito kahapon.
Late na kasi itong dumating kahapon at first subject pa naman nila sa umaga ang science. Kinulang ito sa oras, idagdag pa na ang bagal nga nito gumawa.
"Ipasa mo na 'yan ngayong araw ha? Ibigay mo na lang sa'kin mamaya sa office ko. Last chance mo na ito, Ms. Del Vega"
"Sige po, sir"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.