Chapter 57

212 12 0
                                    

C H A P T E R  57...........

Papungas-pungas pa siya nang pumasok sa loob ng classroom nila dahil kakaunti lang talaga ang oras na itinulog niya kagabi.

Umuwi kasi sila noong sabado at linggo sa Mindoro dahil 7th Birthday ng pinsan niya.

Tuwing bakasyon lang talaga sila umuwi doon ngunit dahil miss na miss na din nila ang mga pinsan at iba nilang kamag-anak doon ay kaya umuwi sila.

Madami ng tao ngayon sa room nila dahil tinanghali na siya ng pasok. Hindi na nga niya inabutan ang service niya kanina kaya naman nagcommute na lang siya papunta dito.

Hating gabi na rin kasi sila nakarating sa bahay. Namili din siya ng keychains para ibigay na pasalubong para sa mga kaibigan niya. Mamaya na lang niya siguro iyon ibibigay sa mga ito.

"Mika, tinanghali ka ata?"

Bungad sa kanya ni Dian nang makapasok siya sa room.

"Late na kasi kaming nakauwi kagabi"

"Kamusta naman ang bakasyon mo?"

Tanong pa nito at nakangiting nagthumbs up naman siya dito.

"Masaya kasi nakita ko na ulit 'yong mga pinsan ko"

"Mabuti naman, nasaan nga pala ang pasalubong ko?"

Muling tanong nito habang natatawa at mahina rin naman siyang natawa.

"Mamaya ko ibibigay"

"So mayroon?"

"Oo naman, ikaw pa ba?"

Natawa ito saka nagpakwento pa ng mga nangyari sa pagpunta nila sa Mindoro. Ang totoo ay wala naman talagang masyadong nangyari dahil nga madali lang naman sila doon.

Umattend lang talaga sila ng birthday ng pinsan niya. Bago magsimula ang first subject nila ngayong araw ay ibinigay na niya ang mga keychains.

"Wow, ang cute nito!"

Sabi ni Dian habang hawak-hawak ang color blue na keychain na hugis damit na bigay niya. May nakalagay doon na 'I love Mindoro'.

Nakangiting ipinakita din naman niya dito ang keychain na binili niya para sa sarili niya. Magkatulad sila ng keychain ni Dian ngunit kulay violet naman ang kanya.

"Binili ko 'yan para pareho tayo at binilhan ko din 'yong apat nating mga kaibigan"

"Thank you, Mika!"

Nakangiting pasasalamat nito at tumango naman siya dito. Ibinigay din niya ang keychains na binili niya para kina Lei at Preshie.

"Akala ko ay nakalimutan mo na kami eh"

"Kayo ba pa ang makalimutan ko?"

"Ang cute naman nitong pagong, kulay pink!"

Natatawang sabi ni Lei matapos ilagay sa zipper ng bag nito ang keychain na bigay niya.

Ang ibinigay niya kasi dito ay isang keychain na hugis pagong at kulay pink na may nakasulat na 'Mindoro'.

Nabanggit kasi nito na mahilig ito sa pink at sakto namang nag-iisa na lang 'yong pagong na pink sa souvenir shop na binilhan niya.

Agad niyang naisip si Lei nang makita niya iyon kaya naman binili niya iyon para dito. Masaya naman siyang makita na nagustuhan nito ang bigay niya.

"Mas cute naman itong seahorse ko!"

Sabi naman ni Preshie habang iwinawagayway pa sa harap nila ang keychain nito na kulay violet na seahorse.

Isa pa rin kasi itong mahilig sa violet pero hindi katulad niya na obsess na obsess talaga sa violet.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon