C H A P T E R 61...........
"Marunong ka ba ng tumbang braso?"
Biglang tanong ni Brent sa kanya habang ginugupit niya ang ilang mga pictures na ilalagay niya para sa scrapbook niya.
May project na naman kasi sila sa filipino ngayon at ito nga ay ang kasalukuyan niyang ginagawa na scrapbook.
Hindi niya alam kung bakit may ganitong uri sila ng project sa filipino subject nila. Sobrang layo kasi nito sa topic nila ngayon.
Maraming nangyari matapos ang Valentine's Day dahil tila mas naging close na naman sina Brent at Isha sa isa't isa.
Mukhang nagiging maayos na ulit ang samahan ng dalawa kaya naman nasasaktan siya lalo.
Gusto niyang maging masaya para kay Brent ngunit parang lolokohin lang niya ang sarili niya kung gagawin niya iyon dahil alam niyang hindi niya kaya.
Patapos na ang buwan ng Pebrero kaya naman mas lalong naging hectic ang schedule nila ngayon.
Malapit na ang clearance day nila kaya kailangan na nilang ayusin ang mga dapat ayusin na mga requirements nila para hindi sila mahirapan sa pagpapapirma ng clearance nila.
"Ano 'yon?"
Tanong niya dito at bahagyang itinigil ang ginagawa upang tingnan ito.
"Parang ganito 'yon, teka. Bitawan mo muna 'yan"
Kinuha nito sa kanya ang hawak niyang gunting at isang photo paper kung saan nakalagay ang mga picture na ipinaprint niya.
Ipinatong nito ang mga gamit na hawak niya sa desk ng armchair niya.
Pinagsalikop nito ang mga kamay nilang dalawa kaya naman hindi niya napigilang pag-initan ng pisngi.Itinumba nito ang kanang braso niya gamit ang kaliwang braso nito. Medyo naintindihan naman niya iyon dahil parang nakikita niya ang larong iyon sa mga kaklase niya noong elementary siya.
"Baka arm wrestling?"
Pagtatama niya dito dahil iyon ang natatandaan niya na tawag dito.
"Ganoon na din 'yon. Pinasosyal mo lang"
Natatawang sabi nito sa kanya at natawa na lang din siya. Hindi naman niya kasalanan kung iyon talaga ang alam niyang tawag doon.
"Bakit mo ba itinatanong?"
"Tara, laro tayo ng ganoon"
"Pambata 'yon saka malakas ka kaya 'di kita kayang talunin"
Ito naman ang natawa saka ginulo ang buhok niya.
"Kakayanin mo!"
"Bakit? Magpapatalo ka ba?"
Tanong niya at agad naman itong umiling.
"Syempre, hindi!"
"Edi hindi ko kakayanin tsaka busy ako"
Sabi niya saka tiningnan nito ang photo paper na hawak niya kanina at itinuro nito ang ginugupit niyang mga pictures.
"Ikaw ba 'yan?"
Tanong nito saka kinuha ang isang picture na pinaprint niya. Mga 3 years old pa lang ata siguro siya sa picture na iyon.
"Oo, bakit?"
"Ang cute...ko"
"Cute ako?"
Tanong niya at binatukan naman siya nito.
"T*nga! Ako kasi 'yong cute, hindi ikaw"
Natawa na lang siya saka kumibit balikat.
"Bakit ba hindi ka gumagawa?"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.