C H A P T E R 20.........
First day ngayon ng Intrams nila kaya naman wala silang klase. Tatlong araw ang Intrams nila at mukhang nakikiayon ngayon ang panahon dahil maaraw.
"Hindi ka ba lalaro sa volleyball?"
Tanong sa kanya ni Dian at umiling naman siya. Wala siyang balak maglaro ngayon dahil tumigil na talaga siya sa paglalaro ng volleyball dahil wala na naman siyang inspirasyon pa.
Ang layo kaya ni Gino!
Isa pa ay hindi naman siya nagpalista ngayon bilang player para maglaro sa volleyball.
"Tinatamad pati ako at kaya na nila 'yon "
"Ang sabihin mo ay wala lang dito si Gino kaya wala kang gana maglaro!"
Mahina na lang siyang natawa saka kumibit balikat. Nandito sila ngayon sa corridor ng classroom nila at nakatambay dahil ayaw pabuksan ni Ma'am Celine ang pinto ng classroom.
Alam kasi nitong kapag binuksan ang classroom nila ay karamihan sa mga kaklase niya ay tatambay lang dito at hindi na manonood ng mga laro.
Isa pa nitong dahilan ay dahil magkakalat lang daw kapag tumambay sila doon kaya ayon, para silang mga skwaters na nakaupo sa corridor ngayon.
Nagmukha ding pasugalan ang corridor nila ngayon dahil kung ano-ano ang nilalaro nila doon. May naglalaro ng uno, jengga or jumbling tower, chess, domino, sungka at marami pang iba.
Ang sponsor ng mga ginamit nila para makapaglaro ay si Ace dahil ito ang may dala ng mga iyo.
Masaya naman silang nakatambay doon dahil marami silang nakakausap at hindi boring dahil may nagkakantahan din sa isang sulok.
Silang mga nakatambay dito ay walang sports na lalaruan at sa halip na manood at makicheer sa court ay tumambay na lang sila dito.
"Mika, anong team color mo?"
Tanong sa kanya ni Jen habang naglalaro sila ng jengga at kumakain ng Pick-A.
"Red firestone"
Sagot niya dito at tumango-tango naman ito. May anim na team color kasi tuwing intrams at teacher ang magsasabi kung saang team color sila mapupunta.
Kung ano ang team color mo noong grade 7 ay ganoon na din hanggang sa grade 10 na sila.
Ang mga team color ay Red firestone na siyang team color niya ngayon. Meron ding Orange sapphire na team color naman ni Dian. Nandiyan din ang Blue jewel na palagi na lang nagiging over-all champion. Meron ding Green limestone, Yellowish Bronze at White diamond.
"Sigurado ako na magchachampion na naman ngayon ang blue jewel. Ang lalakas na naman ng players nila"
"Balita ko nga ay ang lakas ngayon ng white diamond tapos mahina na ang blue jewel kasi lahat ng magagaling nilang players ay nag-graduate na"
Nakikinig na lang siya sa usapan nina Dian at Jen habang unti-unti nyang kinukuha ang isang piraso ng jengga.
Iniingatan na lang niya na hindi matumba ang tower dahil tiyak na manlilibre siya mamaya kapag natalo siya.
Palagi na lang kasi siya ang talo kaya naman kapag natalo pa ulit siya ay tiyak na manlilibre na talaga siya.
"Mika, matutumba!"
Nagulat siya sa sumigaw kaya naman biglang natumba ang tower. Inis na tumingin siya sa nagsalita at nakita niya si Brent na tumatawa sa kanya.
"Bakit ka ba sumigaw?!"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.