C H A P T E R 21............
"Birthday pala ni Annie ngayon?"
Tanong sa kanya ni Dian ng batiin ni Ace ng 'Happy Birthday' si Annie kanina.
Tumango naman siya dito dahil alam din niyang birthday ni Annie kaya nga mayroon siyang dalang regalo dito ngayon pero maya-maya na niya ito ibibigay dito.
Second day ng Intrams ngayon at katulad ng kahapon ay nandito lang ulit sila nakatambay sa corridor.
Mamaya na lang siguro sila manonood sa baba kapag may magandang laban na. Maganda pa rin ang panahon ngayon kaya naman maagang nasimulan ang mga laro.
"Hindi mo ba alam?"
"Hindi, sayang nga at wala akong regalo sa kanya. Ikaw ba ? Mayroon kang regalo sa kanya?"
Ngumiti siya dito saka tumango at napanguso naman ito.
"Ang daya mo, hindi mo sinasabi"
"Akala ko kasi ay alam mo"
Natawa na lang siya nang umakto itong nagtatampo na parang bata. Lumapit naman sa kanila si Annie kaya agad niyang ibinigay dito ang regalo niya na nakalagay sa paper bag.
"Happy Birthday, Annie!"
"Thank you, Mika!"
Niyakap siya ni Annie at ngumiti naman siya dito.
"Annie, sorry wala akong gift sa'yo. Hindi ko naman alam na birthday mo pala ngayon"
"Okay lang 'yon, Dian. Sorry din dahil wala akong gift sa'yo noong birthday mo"
"Okay lang din 'yon!"
Lumawak na ang ngiti ni Dian at tumingin sa kanya si Annie.
"Alam mo ba?"
"Anong alam ko?"
"Birthday rin ngayon ni Bea"
Nalukot naman ang mukha niya dahil sa sinabi ni Annie.
"Birthday din niya? Ano kayang plano ni Gino ngayon?"
"Balita ko magdedate ang mga iyon ngayon. Walang pasok sa St. Fronce ngayon eh"
Mas lalong nalukot ang mukha niya at napangiwi na lang siya.
May pasok siya ngayon tapos 'yong dalawa ay magdedate lang?!
"Hayaan mo sila, hindi rin naman ata tatagal 'yong dalawang 'yon"
"Wow ha? Confident na confident ka. Paano kung mahalin talaga 'yon ni Gino?"
Tanong sa kanya ni Dian at kumibit balikat naman siya.
"O-okay lang?
'Wag sana!
"Bitter alert!"
Natatawang sigaw ni Dian at umiling-iling na siya. Nawala tuloy siya sa mood kaya naman hindi na lang siya umimik muli.
Kung ano-anong senaryo ang pumasok sa isip niya na posibleng ginagawa ngayon ng dalawa.
Nanonood ng sine....
Kumakain sa jollibee....
Namamasyal sa kung saan-saan.....
Masayang nagkukwentuhan.....
Holding hands while walking!
ERASE! ERASE! ERASE! Sana umulan ng kutsilyo at pako habang naglalakad silang dalawa pero si Bea lang ang tatamaan—
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.