Chapter 31

268 15 0
                                    

C H A P T E R  31.............

Natawa pa si Brent sa sariling sinabi dahil ayaw siguro nito na makita ito ng iba nilang mga kaklase na malungkot.

"Nagsimula 'yon sa tatay ko. Hindi talaga kami palaging nag-uusap at galit ako sa kanya kasi nakita ko kung paano niya saktan si mama. Palagi niyang binubugbog si mama kahit na wala naman siyang kasalanan. Wala naman akong magawa kasi bata pa lang ako noon kaya naman ipinangako ko na lang sa sarili ko na kapag lumaki ako ay hindi ko na hahayaang may manakit pa kina mama at ate. Pero naunahan ako ng tadhana kasi bago pa ako makapaghiganti ay umalis na 'yong tatay ko sa bahay. Nagpunta siya sa ibang bansa at akala ko nga ay nagbabakasyon lang siya doon pero nalaman namin na may iba na pala siyang pamilya doon. Si mama naman ay nag-abroad na lang para mabigyan kami ni ate ng magandang buhay. Sirang-sira na talaga 'yong pamilya ko pero kahit na ganoon ay ayos lang sa'kin, wala namang magagawa eh. 'Yong tatay ko naman ay medyo bumibisita pa sa'min pero para lang kay ate. Si ate lang naman kasi talaga ang paborito niya. Tuwing birthday ni ate ay lagi siyang pumupunta pero kapag birthday ko na ay ang dami niyang dahilan"

Malungkot itong ngumiti habang umiling-iling. Nakaramdam siya ng lungkot para dito dahil ganoon pala ang tatay nito dito.

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit iwas na iwas itong pag-usapan ang bagay na tungkol sa tatay nito. Hindi pala maganda ang relasyon sa pagitan ng dalawa.

"Minsan nga ay iniisip ko na lang na baka si ate lang ang anak niya kasi iyon naman ang ipinapakita at ipinaparamdam niya sa'kin. Nananahimik na nga lang ako pero ang totoo ay sobrang nasasaktan ako. Tanda ko pa noong minsang humiling ako na magkita kami kasi kahit naman na may galit ako tungkol sa mga ginawa niya kay mama ay tatay ko pa rin naman siya. Sobrang saya ko noong pumayag siya kaya pinaghandaan ko talaga. Kaya lang ay mukha talagang hindi niya iyon gusto at napilitan lang siya. Halos dalawang oras nga lang kami nagkita tapos mukhang hindi pa siya masaya. Hindi ko naman hinihiling na ibigay niya sa'kin lahat ng oras niya noon dahil alam ko naman na hindi lang kami ni ate ang mga anak niya pero sana lang naman ay ipinakita niya sa'kin na masaya din siya na makita ako. Naging parte rin naman ako ng buhay niya pero tinanggap ko na 'yon, wala naman na akong pwedeng magawa pa eh. Mahirap lang siguro talaga akong mahalin kaya ganoon. Hindi ko naman kasi kasalanan na ganito lang ako. Alam kong masama ang ugali ko at walang natutuwa sa'kin pero kahit na ganoon ay siguro naman, deserve ko pa rin ang mahalin. Sawang-sawa na kasi talaga ako dahil lahat na lang ng taong mahal ko ay iniwan ako"

Tahimik ang buong klase na nakikinig sa dito at dahil sa katahimikang iyon ay kinig na kinig niya ang mahinang paghikbi nito kahit na sa likod na bahagi siya nakaupo.

Mukhang pinipigil talaga nitong huwag maiyak ngunit pansin na pansin na ang papatak na luha nito sa mga mapupulang mata nito.

"Iniwan ako ni papa at mama kaya sobrang hirap non. Tanggap ko naman ang rason ni mama at medyo naiintindihan ko na ang rason ng tatay ko na baka nga hindi kami sapat para manatili siya. Pero hindi rin kasi ganoon kadali magkaroon ng broken family kasi sobrang hirap na nakikita mo ang iba mong mga kaklase na masaya at buo ang pamilya habang ako ay eto, nakatingin mula sa malayo. Nag-iimagine na buo din ang pamilya ko at masaya kami. Tuwing family day celebration nga dito sa school ay umaattend na lang ako para masulit ang araw naming magkakalase at kasama din kasi sa class attendance 'yon. Hindi ko na iniisip na kapag family day ay kailangan na pamilya mo ang kasama mo. Basta papasok lang ako, mag-eenjoy kasama ang mga kaklase ko at kakain, syempre"

Mahina pa itong natawa ngunit pumatak na ang ilang butil ng luha mula sa mga mata nito.

Kasabay ng pagpatak ng luha nito ay ang pagpatak rin ng mga luha niya na agad din niyang pinahid dahil baka mapansin iyon ni Dian.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon