C H A P T E R 66...............
"Happy Family Day!"
Nakangiting basa ng kapatid niya na si Ria sa malaking tarpaulin na bumungad sa kanila nang makapasok sila sa loob ng school.
Sobrang daming mga banderitas na nakasabit sa buong school ngayon at ang ganda tingnan niyon dahil sa iba't ibang kulay ng mga ito.
Maingay rin ang buong lugar dahil sa masiglang musika na nakapa-ibabaw sa buong lugar.
Maraming tao ngayon dito at pare-pareho silang nakasuot ng family day tshirts nila. Madaming pamilya pa ang patuloy na nagsisidatingan ngayon.
"Mommy, doon po tayo"
Sabi niya sa mommy niya habang nakaturo sa mga bakanteng upuan na nakapwesto sa oval. Sunday kasi ngayon at may misa pa bago tuluyang magsimula.
Umupo na sila sa mga bakanteng upuan saka nagpaalam muna siya para hanapin sina Dian at ang iba pa niyang mga kaibigan.
"Janna! Serina!"
Tawag niya kina Janna at Serina nang makita niya ang dalawa na naglalakad sa pathway.
"Mika, kanina ka pa namin iniintay!"
"Sorry, ang bagal kasing kumilos nina Ria at Lori. Sina Dian at Dawn ba ay nasaan?"
Tanong niya kay Janna dahil si Serina ay busy lang sa phone nito.
"Hinahanap nga din namin pero kanina ay kasama na namin 'yong mga 'yon"
"Tara, hanapin natin"
Tumango ito at hinanap na nila sina Dawn at Dian. Nakita naman nila ang dalawa sa playground na nakaupo sa swing na pangmaramihan.
Lumapit sila sa dalawa at umupo siya sa tabi ni Dian habang si Janna at Serina naman ay umupo sa magkabilang tabi ni Dawn.
"Mika, sinong kasama mo ngayon?"
Tanong sa kanya ni Dian at itinuro naman niya ang lugar kung saan nakaupo ang pamilya niya.
"Sina mommy at daddy tsaka 'yong dalawa kong kapatid"
"Buti ka pa, kasi ako ay si papa lang ang kasama ko. Sabi ni mama ay susunod daw siya kasama 'yong kapatid ko pero 'di na ako umaasa"
Malungkot na sabi ni Dian at tinapik naman niya ang balikat nito.
"Dadating 'yon, tiwala lang"
"Tara na, hahanap ng mauupuan natin. Baka magsimula na ang misa"
Pag-aaya ni Dawn at nagpunta na sila sa karamihan. Doon siya umupo sa tabi ng mommy niya at sakto namang magkakalapit lang din sila ng mga upuan kaya okay na okay.
Pagkatapos ng misa ay may ilang mga estudyante mula sa elementary department na nagpresent ng inihandang mga intermission numbers.
Naghiwa-hiwalay muna sila nina Dian, Dawn, Janna at Serina dahil may kanya-kanya naman silang mga kasamang pamilya. Mamaya na lang ulit sila magkikita-kita 'pag tapos na ang mga programs.
"Ang galing nila!"
Tuwang-tuwa na sabi ni Ria habang nanonood sila.
"Mommy, bibili lang po ako ng ice-cream"
Sabi naman ni Lori at tumingin sa kanya ang mommy niya.
"Mika, samahan mo ang kapatid mo"
"Sige po"
Sumama na rin sa kanila si Ria at bumili ang dalawa ng ice-cream. Matapos bumili ay agad silang bumalik sa pwesto ng mommy at daddy niya.
"Ate, nasaan si kuya Brent?"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.