Chapter 51

240 14 0
                                    

C H A P T E R  51........

Kasisimula pa lang ulit ng klase nila ngunit narito na sila at nagtetake na agad ng third periodical exam nila.

Nasa second day na sila at tamad na tamad siyang magtake ng exam dahil nasa ibang room si Brent. Wala tuloy nangungulit sa kanya ngayon.

Dati naman ay ayos lang sa kanya na mag-exam nang hindi ito kasama. Sa katunayan pa nga ay masaya siya dati na sa ibang classroom ito nag-eexam dahil hindi siya nito magagambala ngunit ngayon ay hinahanap-hanap niya ang presensya nito.

"Mika, birthday ni Janna ngayon 'diba? Ano bang magandang gawin natin?"

Tanong sa kanya ni Dian habang nagrereview sila. Wala pa naman ang teacher na magpapa-exam sa kanila kaya naman nagrereview muna sila.

"Wala bang plano si Dawn?"

"Ewan ko pero baka nga mayroon. Tanungin na lang natin mamaya"

Nagthumbs up siya dito saka isinarado ang libro na paulit-ulit na niyang binabasa ngunit ni isang term ay wala man lang pumapasok sa utak niya.

"Hindi ko alam pero tamad na tamad talaga ako ngayon"

"Hindi ka naman nag-iisa kasi lahat tayo ay pare-parehong may mga hangover pa mula sa christmas break"

Tumango-tango siya saka isinandal ang likod sa kinauupuan.

"Tapos wala pa si ano..."

"Si Brent ba?"

Tanong ni Dian saka natawa at bumuntong hininga siya.

"Oo ata"

"Anong ata ka d'yan? Kaya ka matamlay ngayon kasi wala siya dito pero malay mo naman, bukas ay magkasama na kayo sa iisang classroom"

Sabi nito at natatawang umiling-iling naman siya. Kahit kailan ay hindi pa niya nakakasama si Brent na mag-exam sa iisang classroom dahil sa student number nila na hindi magtugma-tugma.

"Asa pa ako"

Alam kasi nilang dalawa na hindi talaga mangyayari iyon dahil hindi pinapalitan ni Ma'am Celine ang pattern ng mga lumilipat sa kabilang room.

"Ang nega mo naman"

"Alam naman natin pareho na malabong mangyari 'yon"

"Malay nga lang, 'diba?"

Umiling-iling na lang siya saka bumalik sa pagrereview kahit wala siyang maintindihan sa binabasa.

Nang dumating na ang teacher nila ay itinago na nila ang mga reviewers nila saka nagsimula na silang mag-exam.

Ngunit dahil nga nasa pinakadulo siyang upuan nakapwesto ay hindi siya inabot ng papel.

"Sir, kulang po ako ng page two"

Sabi niya kay Sir Arthur na siyang teacher na kasama nila ngayon nang makalapit siya sa table na kinauupuan nito.

"Pumunta ka sa kabilang room at itanong mo kung may excess paper pa ba doon"

Tumango naman siya saka lumabas at nagtungo sa kabilang room. Nakita agad niya si Brent na nagsisimula ng magsagot ng exam.

Nasa tabi lang kasi ito ng pinto kaya naman kitang-kita niya ang kaseryosohan nito habang nagsasagot.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti dahil mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya habang seryosong nakatingin sa hawak nitong test papers at nagsasagot.

Tama na muna ang landi! Mag-eexam ka pa!

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon