Page 8

470 15 0
                                    

"Good luck, bes!"

Sabi sa kanya ni Dian bago sila magtake ng exam. Day 1 na kasi ngayon ng periodical exam nila at ang kalhati sa kanila ay pupunta sa room ng grade 7-Serenity.

Habang ang kalahati din ng Serenity ay pupunta naman sa kanilang classroom. Ang kapartner naman ng grade 10 ay ang mga grade 8.

"Good luck din!"

Nakita niya si Zyrina na papalabas na ng classroom para lumipat sa room ng Serenity.

"Good luck, Zy!"

Mahina itong natawa saka umiling iling sa kanya.

"Good luck din, Miky!"

Lumabas na ito ng tuluyan sa room nila at kakalahati na lang silang natira doon. Ang kasama niya ay simula G-14 hanggang G-31 na at B-10 hanggang B-20.

"Magreview na kayo at maya-maya lang ay magsisimula na ang exam"

Kinuha niya ang reviewer niya saka nagreview na.

Sanay siya na on the spot magrereview kasi doon lahat pumapasok sa isip niya pero kapag sa bahay siya magrereview ay nakakalimutan din niya pagdating sa school.

Dumating na rin ang ibang grade 7 na makakasama nila sa pagtetake ng exam.

Alternate ang seating arrangement nila kaya naman ang nasa magkabilang tabi niya ay parehong grade 7.

"Hindi ako nakapagreview ng maayos kagabi"

Sabi sa kanya ni Dian ng makalapit ito sa kanya.

"Bakit naman?"

"Netflix"

Maikling sagot nito at mahina siyang natawa.

"So kasalanan pa ng netflix kung bakit hindi ka nakapagreview ng maayos kagabi?"

"Oo naman!"

"Bumalik ka na nga lang doon sa upuan mo at magreview ka"

Napakamot ito ng ulo saka nag-indian sit sa sahig paharap sa kanya habang hawak nito ang reviewer nito.

"Ayoko doon, nakakainis 'yong dalawang grade seven sa tabi ko. Daldalan ng daldalan, ang ingay"

Tiningnan niya ang dalawang grade 7 na ngayon ay nagtatawanan saka niya ibinalik ang tingin kay Dian.

"Hayaan mo sila, hindi naman ikaw ang babagsak pero doon na rin ata ang punta mo. Hindi ka nagreview ng maayos eh"

Natatawa niyang sabi dito at sinamaan naman siya nito ng tingin.

"Hindi na nga ako nakapagreview ng maayos, dadaldalin mo pa ako!"

"Wow, ako pa talaga?"

"Makabalik na nga lang doon"

Bumalik na si Dian sa upuan nito at ipinagpatuloy na niya ang pagrereview. Nang magsimula ng ang exam ay natahimik na ang lahat.

Hindi naman ganoon kahirap ang exam nila lalo na at naintindihan naman niya ang mga pinag-aralan nila buong first quarter.

"Day one? Done!"

Biglang sigaw ni Brent ng makapasok ito sa classroom. Lumipat din kasi ito sa Serenity at ngayong tapos na ang exam nila ay nag-ingay na ang lahat.

"Kahirap, ayaw akong pakopyahin ng katabi kong grade 7!"

Sabi ni Jankin at binatukan naman ito ni Kien.

"Sa grade 7 ka pa talaga mangongopya!"

Pumasok si Ma'am Celine sa classroom nila at pinaglinis muna sila ng areas nila bago pinauwi.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon