C H A P T E R 18...........
"Sino kaya ang nagsulat n'yan?"
Tanong sa kanya ni Myka anng makarating siya sa classroom. Maaga siyang pumasok at tulad ng dati ay tatlo pa lang silang nandito sa room.
Siya, si Myka at si Vince kaya naman tahimik pa ang paligid. Napatingin din siya sa board nila nang makita ang mga nakasulat doon.
May mga date iyon at ang bawat date ay parang may description na kung ano ang nangyari nang araw na iyon.
Hindi naman iyon schedule dahil mukhang buhay ng isang tao ang pinapatungkulan niyon.
Familiar ang nakasulat pati ang handwriting!
Hindi niya alam kung kaninong handwriting iyon pero parang nakita na niya ang sulat na iyon at ang mga pangyayari na nakasulat sa board ay familiar sa kanya ang iba.
February 14, 2017- I met her and I saw her in front of the church with her friends who happened to be my friends too. I pinched her chubby cheeks and told her "Ang taba ng pisngi mo." I was fascinated by her chubby cheeks and her smile that can fade any problems away.
March 7,2016- We became friends. I asked her if I can court her and she let me. That was the happiest day of my life.
March 22, 2016- My sister told me to stay away from her because she is no good for me. I love my sister and I thought she'll support me in my decisions but I guess I was wrong all along but I didn't let my sister to ruin us. I'm more than willing to fight for her but I don't think if she's willing to fight for me too.
April 21, 2017- She told me not to bother her anymore and that was the most painful words I heard from her. She was the only light in my life but suddenly, the light faded away just like how the colors fades when it is soaked with water. That time, I can't feel anything but my heart breaking into million pieces.
Naramdaman na lang niya na parang nasasaktan siya sa mga nakasulat.
Hindi niya alam kung bakit pero siguro ay dahil kahit na simpleng kwento lang na ito ay sobrang nakakaantig ng puso.
Paulit-ulit na nagreplay sa utak niya ang isang nakasulat doon.
Ang taba ng pisngi mo.....
Ang taba ng pisngi mo.....
Ang taba ng pisngi mo.....
Ang taba ng pisngi mo.....
Ang taba ng pisngi mo.....
Tiningnan niya ulit ang handwriting at nanlaki ang mata niya nang maalala kung sino ang maaring nagsulat niyon.
Si Brent!
Napangiti na lang siya at muling binasa ang mga nakasulat.
Napakadami talagang pinagdaanan ng lalaking iyon at napaka swerte ng babaeng minahal nito at patuloy na minamahal.
Si Isha....
Hindi nya alam pero parang naiinggit tuloy siya dito. Parang gusto rin niya ng isang Brent na magmamahal sa kanya ng totoo.
"Hala!"
Nakita niya si Elwyn na pumasok sa classroom at dali-daling binura ang mga nakasulat sa board.
"Bakit mo binura?"
Angal ni Myka at kumibit balikat naman si Elwyn. Halatang may alam ito sa mga nakasulat sa board.
"Lagot kasi ako kay Brent kapag hindi ko 'yon binura. Pinapasok niya ako ng maaga para burahin 'yon"
"So si Brent nga ang nagsulat non?"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.