Chapter 22

327 16 0
                                    

C H A P T E R  22..........

Last day na ng intrams nila ngayon at mamayang hapon ay awarding na. Puro championship game na lang ang mga laro ngayon at gaganapin na din ang laro sa track and field pati na rin ang dodge ball.

Sa canteen naman muna sila tumambay ngayon dahil nakakasawa na sa taas, sa corridor.

"Malapit na pala ang Coastal Cleaning ng mga clubs. Sasama ka ba?"

Tanong sa kanya ni Dian at kumibit balikat naman siya. Ang Coastal Cleaning ay ang paglilinis nila ng tabing dagat.

Lahat ng schools ay may ganoon ngunit sa iba't ibang lugar lang naka-assign ang bawat school. Ang school nila ay naka-assign sa tabing dagat ng Castan.

"Hindi ko alam pero baka sumama ako"

"Tara, sasama"

"Ano bang date non?"

Tanong niya kay Dian at napa-isip naman ito.

"23 ata"

"Birthday ni Serina 'yon ah"

"Oo nga, anong regalo natin sa kanya?"

Hindi rin niya alam kung anong ireregalo niya dito pero baka bigyan na lang niya ito ng damit.

"Damit na lang kaya?"

"Sige, tara mamaya sa Wear It. Maraming bagong dating na damit sa shope nila, galing pa sa overseas"

Tumango siya saka luminga-linga dahil gusto niyang matulog.

"Gusto kong matulog"

"Sige, dito lang muna ako"

Tumango siya at inilabas niya ang emoji pillow na dala niya. Kakaunti lang naman ang tao ngayon sa canteen dahil lahat ay tutok sa mga championship game.

Matutulog na sana siya nang bigla niyang makinig ang sigaw ni Brent na tinatawag ang pangalan niya.

"Mika!"

Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya habanh may malawak na ngiti sa labi.

"Hi, Brent!"

"Manood ka naman ng championship namin, please?"

"Naku, Brent. Matutulog lang 'yang si Mika maghapon ngayon"

Natatawang sabi ni Dian at tumingin naman sa kanya si Brent saka ngumuso.

"Sayang naman pero kung may time ka ay manood ka ha? Mamaya pa namang hapon iyon"

"Sige"

Tumango ito saka nagpaalam na sa kanila at umalis.

"Hindi ka ba manonood?"

Tanong sa kanya ni Dian at kumibit balikat na lang siya. Sa ngayon ay inaantok talaga siya dahil nakipag video call pa sa kanya si Gino kagabi kaya naman masarap ang tulog niya at dahil din ito ang huling nakausap niya kahapon.

"Inaantok ako"

"Nakakahiya naman doon sa tao, siya pa ang nagyaya sa'yo na manood. Ikaw naman ang bumawi ngayon sa kanya"

Napa-isip muna siya saka ngumiti dito at tumango.

"Sige pero mamaya na, talagang antok na antok ako"

"Ano ba kasing ginawa mo at napuyat ka?"

Malawak siyang ngumiti dito saka tinaas-taas ang kilay.

"Nagvideo call kami ni Gino"

"Talaga nga naman! Pagdating kay Gino, kahit abutin ng kinabukasan ay game na game 'no?"

Tanong nito at natawa naman siya kapagkuwan ay tumango.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon