Chapter 55

222 10 0
                                    

C H A P T E R  55.............

"Anong gagawin natin mamaya sa recreation activity?"

Tanong sa kanya ni Preshie habang kasalukuyang nagsusulat sila. Naka p.e. uniform sila ngayon dahil sinabi nga ng p.e. teacher nila na si Maam Ly na may recreation activity sila.

"As usual, maglalaro?"

Natatawang tanong niya dahil iyon naman talaga ang madalas nilang gawin tuwing may recreation activity sila.

Karamihan nga sa kanila ay nagsasaya tuwing malalaman na may recreation activity sila sa p.e. subject dahil sa gawaing ito ay malaya silang laruin ang kahit na anong laro ang gusto nila.

Sports man iyon o kahit na basta simpleng laro lang. Kumbaga, sa activity na ito ay makikipag-bonding lang sila sa mga kaklase nila na talaga namang masaya at may grades pa sila.

Ang kailangan lang naman kasi sa activity na ito ay maglaro at mag-enjoy para magkaroon sila ng grades sa p.e. subject nila.

"Anong lalaruin mo?"

Tanong pa sa kanya nito at kumibit balikat naman siya.

"Baka tumambay na lang ako sa kung saan"

Iyon naman kasi talaga ang karaniwan nilang ginagawa ni Dian tuwing may recreation activity simula pa lang noong grade seven sila.

Nag-eenjoy naman na kasi sila sa patambay-tambay lang habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano. Masarap pa naman tumambay sa labas lalo na sa may oval dahil mapresko ang hangin doon.

"Graded kaya 'yong recreation activity natin. Baka kapag nakita ka ni Maam Ly na nakatambay lang ay hindi ka bigyan ng perfect score"

"Edi kapag malapit lang siya ay saka ako maglalaro"

Natawa si Preshie saka maya-maya ay siniko siya.

"Bakit?"

Tanong niya habang sinasagutan na lang ang mga given exercises sa sinulat nila.

"Kanina pa nakatingin 'yan sa'yo"

Nguso nito sa unahan nito kaya naman napalingon siya sa doon at nakita niya si Brent na nakatingin nga sa kanya.

Agad namang nagharumento sa pagtibok ang kanina ay kalmado at nananahimik niyang puso.

Enebe???

"B-bakit?"

Tanong niya dito at ito naman ay ngumiti sa kanya.

"Wala lang, tapos ka na bang magsulat?"

"Oo, nagsasagot na lang ako"

"Pakopya ako"

Nakangiting sabi nito at mahina na lang siyang natawa saka napailing-iling. Akala naman niya ay kung ano na, naudlot tuloy ang kilig niya.

Natatawang sinenyasan niya ito na lumapit sa pwesto niya upang makakopya ito sa kanya ng sagot. Hinila nito ang sariling upuan papalapit sa pwesto niya at pumwesto ng upo ito sa bandang harapan niya.

"Tinamad ka atang magsagot ngayon"

Pansin niya dito dahil ngayon lang ito nangopya ng sagot sa kanya.

"Hindi naman, gusto ko lang talaga na sabay tayong magsagot"

"Bakit naman?"

"Wala, gusto ko lang. Ang tagal mo nga eh. Alam mo bang kanina pa ako tapos magsulat? Ikaw na lang ang inaantay ko kanina pa kaya hindi pa ako nagsasagot"

Paliwanag nito sa kanya at ang buong sistema niya ay nagkakagulo na naman sa sobra-sobrang kilig na nararamdaman dahil sa moody monster na katapat niya.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon