Epilouge

1K 28 2
                                    

"Woah, Aeze!"

Agad na bumungad sa kanya si Aeze na ngayon ay rebonded na rin. Buwan na ng April ngayon at ngayong araw ay recognition day na nila.

Kasama niya ngayon ang mommy niya para sabitan siya ng medal. Nagmessage kasi si Ma'am Celine sa mga magulang ng mga estudyanteng sasabitan ng medalya ngayon.

"Hi, Mika!"

"Ano namang nakain mo at nagparebond ka rin?"

Natatawang tanong niya na ikinatawa rin nito.

"Wala lang"

Nakangiting sagot nito at tumango-tango na lang siya.

"Sinong kasama mo ngayon?"

Tanong niya dito at itinuro naman nito ang nanay nito na kasama ang nakababatang kapatid nito.

"Ikaw ba?"

"Kasama ko si mommy ngayon pero baka nag c.r lang muna siya"

"Sige, pupunta lang ako doon kay mama. Kita na lang tayo mamaya"

Tumango siya bago ito umalis at siya naman ay pinuntahan ang mommy niya sa c.r na nakita naman niyang palabas na rin.

"Mommy, tara na po"

Nagpunta na sila sa mini gym dahil doon gaganapin ang awarding at marami ng tao doon. May ilang mga kaklase siya na nakikita niya.

Humanap muna sila doon ng mauupuan ng mommy niya. Nang makahanap ng upuan ay umupo na sila.

Tumunog ang message notification ng phone niya kaya naman kinuha niya iyon mula sa bulsa ng palda ng uniform niya at tiningnan kung sino ang nagchat sa kanya.

Nakita niya na si Dian iyon kaya napangiti siya saka binuksan ang message nito sa kanya.

'Mika, nasa school ka na ba?'

                                               'Yup, bakit?'

'Nandito ako ngayon sa gate'

                       'Sige, puntahan kita d'yan'

Matapos magreply dito ay nagpaalam muna siya sa mommy niya na pupuntahan muna niya si Dian.

Hinanap naman niya si Aeze para sana magpasama dito na nakita naman niya sa may bukana ng mini gym.

"Aeze, pwedeng magpasama sa'yo?"

"Saan ba?"

"Pupuntahan natin si Dian sa gate"

Sabi niya at tumango naman ito saka sila nagpunta na sa gate ng school. Nakita nila doon si Dian na ngayon ay kasama si Jen. Halatang nagulat din si Dian sa rebonded na ngayong buhok ni Aeze.

"Ang ganda naman ng buhok ni Aeze"

Sabi ni Jen nang makalapit sila ni Aeze at mahina na lang itong natawa.

"Dian, kamusta na?"

Natatawang tanong niya dito na ikinatawa rin naman nito.

"Parang hindi tayo araw-araw na magkachat at magkavideo call ah?"

Natawa siyang muli saka sabay-sabay na silang pumunta sa mini gym. Nagtabi-tabi sila ng upo at malapit naman iyon sa kinauupuan ng mommy niya kaya ayos lang.

"Nakita mo na siya?"

Tanong sa kanya ni Dian sa kalagitnaan ng paglalaro niya ng Color Jump sa phone niya. Matagal pa naman kasi bago sila tawagin.

Madami ding awardees sa grade 7 kaya naman sobrang tagal pa bago dumako sa mga awardees ng grade 9.

"Sino?"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon