Chapter 47

237 16 0
                                    

C H A P T E R  47...........

Natutulog lang siya ngayong umaga habang naka-ub-ob sa desk ng armchair niya dahil napuyat siya kagabi sa kagagawa ng props na kailangan nila. 

Hinati-hati naman sila sa grupo upang pagtulungan na gawain ang mga props na kinakailangan ngunit late na niya nagawa ang kanya kagabi dahil syempre ay hindi lang naman iyon ang kinailangan niyang gawin.

Ngayong araw na ang Christmas Presentation nila at ipapakita nila iyon sa lahat ng estudyante at mga guro ng St. James Academy mamaya. Lahat ng sections ay dapat na may nakaprepare na sayaw upang ipresent lalo na at parte din ito ng project nila para sa ilang piling mga subjects. 

Parang festive dance ang mangyayari ngayong araw sa mga presentations nila. Sa mga Grade 7 ay Sinulog Festival heme, sa mga Grade 8 naman ay Pinagbenga Festival, sa kanila naman na mga Grade 9 ay Mascara Festival at habang sa mga Grade 10 ay Pahiyas Festival.

Kailangan ng mga makukulay na props ahil sa theme nila kaya naman double time sila sa paggawa. Kakaunti pa naman ang ibinigay sa kanila na oras ng mga teachers nila at idagdag pa na kailangan din nilang gawain ang iba nilang projects sa iba pang mga subjects.

Mabuti na lang din at hindi ganoon kaingay ang mga kasama niya dito sa classroom. Ang iba kasi ay tahimik lang na gumagawa ng kanya-kanyang parts ng mga ito habang ang iba naman ay natutulog din kagaya niya.  

Kakaunti pa lang sila ngayon sa loob ng classroom dahil ang iba niyang mga kaklase na kasali sa sayaw ay nasa labas, sa may oval at nagpapractice ng sayaw para mamaya. Sila lang na mga propsmen ang nasa loob ngayon ng classroom.

Komportable siya sa pagkakatulog niya dahil sa malapit sa bintana siya nakapwesto kung saan pumapasok ang masarap na simoy ng hangin kaya naman mapresko. Nakaunan din siya sa malambot na bag niya kaya naman maayos talaga ang tulog niya. Maganda na sana ang tulog niya kung hindi lang mayroong istorbong kumulbit sa kanya.

"Mika, gising!"

Agad na hinampas niya si Brent ng bag niya dahil sa pang-iistorbo nito sa masarap at payapa niyang pagkakahimbing.

"Ano ba?!"

Naiinis siya dito dahil ngayon na nga lang siya makakapahinga ng ayos ay ngayon pa talaga nito naisipan na manggulo sa kanya.

"Tulog ka ng tulog!"

"Huwag kang mangielam d'yan, puyat ako kaya pwede ba? 'Wag mo muna akong kulitin ngayon"

Inis na sabi niya dito at natawa naman ito sa kanya saka pilit na namang umupo sa tabi niya. Gusto na naman ata nito na sa iisa silang armchair na umupo.

"Mamaya ka na matulog"

"Bakit?"

Tanong niya saka isinubsub ulit ang mukha sa bag niya dahil hindi pa sapat ang tulog niya.

"Panoorin mo kami"

Tukoy nito sa pagpapractice ng mga ito ng sayaw. Isa kasi ito sa mga kaklase niyang sasayaw mamaya.

"Mapapanood ko din naman kayo mamaya"

Sabi niya habang nakatagilid at nakatingin dito. Ang gilid ng mukha niya ay nakaunan pa rin sa bag.

"Gusto ko ngayon ay na"

"Ayokong lumabas ngayon, tinatamad akong maglakad"

"Hindi ka naman lalabas kasi dito naman kami magpapractice loob"

Napabuntong hininga naman siya saka sumandal sa upuan niya.

"Bakit? Lahat kayo?"

Tanong niya dito dahil kung dito sa loob ng classroom magpapractice ang mga kaklase niya ay alam niyang hindi magkakasya at isa pa ay iingay na muli dito sa loob kaya ibig sabihin niyon ay hindi na ulit siya makakatulog.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon