C H A P T E R 64.............
"Woah, Mika! Ikaw ba 'yan?!"
Tila gulat na gulat na tanong ni Dian nang makapasok ito sa room nila. Paano ba naman kasi ay nagparebond siya ng buhok dahil sa kagustuhan ng mommy niya.
Flashback........
"Mommy, anong ginagawa natin dito? Magpapagupit ka na naman po ba?"
Tanong niya sa mommy niya dahil nandito sila ngayon sa mall at pumasok sila sa isang hair salon na paboritong puntahan ng mommy niya kapag magpapagupit ito ng buhok at iba pa.
"Hindi, pero ikaw ay ipapaayos ko 'yang buhok mo"
Nakangiting sabi ng mommy niya saka nilapitan ang favorite hairstylist nito na si Kuya George—oopss Ate Georgina nga pala.
"Tita! Magpapagupit ka ulit?"
Agad na tanong ni Ate Georgina sa mommy niya at umiling naman ang mommy niya dito.
"Hindi ako, pero si Mika"
Agad na dumako ang tingin sa kanya ni Ate Georgina at ngumiti.
"Ano bang gagawin ko sa kanya, Tita?"
"Hindi kasi marunong magsuklay itong anak ko na ito at gusto ko sanang iparebond 'yong buhok niya para naman hindi gan'yan kabuhaghag"
Nagulat siya sa sinabi ng mommy niya at handa na sana siyang tumanggi ngunit hindi niya nagawa dahil agad siyang pinaupo ni Ate Georgina sa harap ng salamin.
"Ano ba itong buhok mo, Mika? Ilang taon mo ba itong hindi sinusuklay?"
Tanong sa kanya nito habang tila iniinspeksyon pa ang buhok niya. Napangiwi naman siya saka tumingin sa mommy niya.
"Mommy, ayokong magparebond tsaka exam namin bukas. Hindi ako makakafocus dahil sa amoy ng gamot"
"Naku! Hindi oobra sa'kin 'yang mga dahilan mo. Tutal hindi ka rin naman marunong magsuklay kaya ipaparebond ko na lang 'yang buhok mo para hindi na kailangan pang suklayin"
Wala na siyang nagawa lalo na nang simulan ng irebond ang buhok niya. Sana lang bukas ay makapagtake siya ng ayos ng periodical exam.
End of the Flashback.............
"Ako pa rin ito, Dian. 'Wag kang oa d'yan"
"Ano namang pumasok sa kukote mo at bigla kang nagparebond?"
Tanong nito sa kanya at kumibit balikat na lang siya saka umupo sa upuan niya.
"Si mommy kasi eh"
"Pero mas maayos na rin 'yan kaysa naman doon sa dati mong buhok na hindi mo man lang sinusuklay"
Napasimangot na lang siya at nang dumami ang mga tao sa loob ng room nila ay kanya-kanya ang mga ito ng reaksyon sa bago niyang hairstyle.
Hindi talaga tamang kung kailan periodical exam ay saka siya nagparebond.
"Pious! Lipat na 'yong mga lilipat, malelate na kayo! Baka hindi na kayo makapagreview bago magsimula ang exam! 'Yong mga upuan ay bakit hindi pa naka-ayos 'yan?"
Kapansin-pansin ang mainit na ulo ni Ma'am Celine ngayong umaga nang pumasok ito sa loob ng classroom nila.
Agad naman silang kumilos ng mabilis para ayusin ang mga upuan at gawin iyon na one seat apart.
"Pious, bilis! Wow! Mika, ngayon lang kita napansin. Nakakagood vibes naman"
Nagulat siya sa sinabi ni Ma'am Celine dahil hindi niya alam kung paanong nakagood vibes ang pagpaparebond niya. Nawala ang mainit na ulo nito at napalitan iyon ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.