C H A P T E R 56...........
"Very good, Brent! Nag-iimprove ka ngayon ah?"
Puri ng teacher nila na si Sir Vie dahil filipino time sila ngayon at katatapos lang magreport ni Brent ng topic na ibinigay dito.
Sobrang galing nito magreport kanina dahil malinaw na malinaw ang mga sinasabi nito. Manghang-mangha siya sa paraan ng pananalita nito.
Halatang pinag-aralan nito ng mabuti ang topic na inireport nito dahil mukhang alam na alam nito kung ano ang mga sinasabi kanina sa unahan.
"Thank you, Sir"
Pinalakpakan nila ito saka bumalik na ito sa upuan nito at tumingin sa kanya.
"Okay lang ba 'yong report ko?"
Tanong nito at nakangiting nag thumbs up naman siya dito. Sobra pa sa okay ang naging performance nito sa reporting kanina.
Para tuloy ayaw na niya na dumating ang araw na siya naman ang kailangang magreport sa unahan dahil feeling niya ay biglang tumaas ang standards ni Sir Vie matapos masaksihan ang reporting ni Brent.
"Very good nga daw, 'diba?"
"Kinabahan talaga ako don"
"Halata nga pero kinaya mo naman 'diba kahit na mag isa ka lang"
Sabi niya dahil talagang by pair ang reporting nila sa filipino ngunit dahil maikli lang naman ang tinapatan na topic ni Brent kaya hindi na ito binigyan ng partner ni Sir Vie.
"Ikaw ba? Kailan ka magrereport?"
"Medyo matagal pa naman"
"Tulungan kita? Gusto mo?"
Tanong nito at hindi naman niya maiwasan ang lalong mamangha.
"Wow, ikaw ba talaga 'yan? Parang 'di ako sanay ah"
"Minsan na nga lang ako mag-offer ng tulong"
"Kaya nga hindi ako sanay"
Natatawang sabi niya at tumayo naman ito mula sa pagkakaupo saka umupo na naman sa tabi niya.
Magkahati na naman sila sa iisang armchair at amoy na amoy na naman niya ang paboritong pabango na gamit nito na ang lakas makagwapo.
"Mahirap ba 'yong topic mo?"
"Tama lang tsaka may partner naman ako eh"
Nakangiting sagot niya at tumango-tango naman ito.
"Sige, basta 'pag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako ha?"
"Ang bait mo ngayon"
"Matagal na akong mabait, 'di mo lang ata pansin"
Natawa na lang siya at inasar pa siya nito hanggang sa magring na ang bell para sa next subject.
"Pious, mamayang time ulit ng filipino ay may quiz kayo tungkol sa buhay ni Francisco Balagtas. Nadiscuss na natin 'yon, 'diba? Kaya walang magrereklamo sa'kin na wala kayong alam mamaya. Sige, good bye and thank you"
Nang makapagpaalam si Sir Vie sa kanila ay umalis na ito ng room nila.
"Magreview ka na, Brent. May quiz daw mamaya oh"
"Mamaya pa namang hapon 'yon"
"Marami kayang kailangang tandaan doon kaya magreview ka na ngayon pa lang"
Kumibit balikat na lang ito saka pinaglaruan ang ilang hibla ng buhok niya.
"Magpagupit ka kaya, 'yong pixie cut. Alam mo ba 'yon?"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.