Chapter 30

301 15 0
                                    

C H A P T E R  30.........

"Gago ka talaga, Elwyn! Ang dami mong alam, kapag nagalit sa'yo si Airie!"

Natatawang sabi ni Kristen dahil kanina pa inaasar ni Elwyn si Airie. May kinakanta rin ito na talagang ikinakainis ni Airie at ikinakatawa naman nila.

"Si Airie! Si Airie! Sa babuyan!"

Pagkanta pa ni Elwyn at hinampas naman ito ni Airie sa braso.

"Maka-babuyan ka naman! Palibhasa ay ang payat mo kaya 'di ka bagay sa babuyan! Dapat doon ka sa kakahuyan kung saan maraming bamboo!"

"Ikaw! 'Di ka bagay sa kakahuyan dahil baka mapagkamalan kang baboy damo!"

Pag-aaway pa ng dalawa at natatawa na lang sila na mga nandoon. Ang cute nila mag-away at medyo bagay naman. Maputi tapos medyo maitim then hindi naman katabaan sa sobrang payat.

"Mika, ang cute nila 'diba?"

Tanong sa kanya ni Kristen at natatawa naman siyang tumango.

"Bagay nga sila eh"

Napatingin naman sa kanya ang dalawa at halata ang pagtutol sa mga mata ni Airie.

"Mika! Hindi kaya!"

"Ayoko sa mataba! Baka kapag nag-away kami ni Airie ay lamunin niya ako ng buhay"

Natatawang sabi ni Elwyn at natawa na naman sila.

"Wow! Buhay ka pa pala? Sa itsura mong yan? Mapapagkamalan kang kalansay!"

"Wow! Ikaw din, buhay ka pa pala? Sa itsura mong 'yan ay talagang nakasurvive ka pa sa paglamon mo ng salbabida?"

"Nagsalita ang nakalunok ng hanger!"

Natawa lang sila ng natawa habang pinapanood ang dalawa na magtalo.

"Para kang napabayaan sa kusina eh!"

"At least ako ay sa kusina lang napabayaan! Ikaw kasi ay talagang pinabayaan ka na!"

"Wala namang personalan!"

Natawa siya saka umiling-iling at humarap na muli sa unahan. Nakita naman niya si Brent na papalapit.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Tanong nito habang nakakalokong nakangiti sa kanya. Umupo ito sa upuan nito at tinaasan siya ng kilay.

"Paano ba ako tumingin?"

"Para bang ako ang pinakagwapong lalakeng nakita mo"

Agad naman siyang sumimangot at tamad itong tiningnan.

"Talaga lang ha?"

"Huwag kang mag-alala, sanay na ako sa mga ganyan. Alam ko namang gwapo ako at kung itatanggi mo na naman ay 'wag na lang"

Sabi nito sa kanya saka ito ngumiti at siya naman ay napa-amang na lang.

Ang lakas ng loob!

"Bahala ka d'yan, kung ano-ano na namang sinasabi mo"

"Tatahimik na nga ako, baka mamaya ay madulas pa ako at masabi kong...mahal kita"

Inis na tinampal niya ang braso nito at natawa lang ito.

Panira ng mood!

"Tumigil ka nga! Manahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin. At 'wag ka ngang pafall, nakakainis 'yong mga taong ganan tapos hindi ka naman sasaluhin"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon