C H A P T E R 35......
Kaunti na lang ay semestrial break na nila kaya naman nagsasaya na ang lahat ngunit bago iyon ay nagtake muna sila ng exam para sa second quarter.
Mahirap iyon pero kinaya naman niya at ngayon nga ay last day na ng exam day nila. Last subject na rin mamaya kaya makakahinga na siya ng maluwag pagkatapos nito.
"Mika, buti na lang at patapos na ang exam"
Sabi sa kanya si Dian habang kumakain sila ng sandwich dahil recess time naman nila ngayon.
Medyo kakaunti ang bilang ng mga estudyanteng nagrerecess ngayon dito sa canteen dahil siguro nagrereview ang mga ito para sa last subject na itetake nila ngayong araw.
Sabi nga nila, 'save the best for the last'
"Kaya nga eh makakapagbawas na ulit tayo ng laman ng utak. Talagang full storage na full storage na ang akin"
"Pero sa third quarter ay lalagyan mo ulit 'yan"
Napabuntong hininga naman siya dahil hindi pa nga pala sa second quarter natatapos ang lahat sa kanila bilang mga estudyantrle. May kasunod pa na third at fourth quarter na siguradong magiging mas mahirap.
"Huwag muna nating isipin ang third quarter, dito muna tayo sa present"
Natawa si Dian saka uminom ng tubig sa water bottle nito at uminom din siya ng tubig sa bottled water na binili niya kanina.
"Tara, babalik na sa room para naman makapagreview pa tayo kahit papaano"
Tumango siya at tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo nang may kumulbit sa kanya at paglingon para tingnan kung sino iyon ay nakita niya si Brent na kasama si Elwyn.
"Hi, Mika!"
"Hello!"
Bati niya dito pabalik at umupo naman ito sa tabi niya.
"Paalis na kayo?"
"Oo sana, magrereview pa kasi kami para sa last subject natin"
Tumango-tango ito saka ngumiti sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Good luck!"
"Salamat, good luck din sa'yo!"
Tumayo na siya ng tuluyan pati si Dian saka umalis na doon. Hindi kasi niya kasama sa room si Brent dahil sa kabilang room ito nag-eexam kung nasaan ang ka-pair nilang section ng grade 7.
"Minsan talaga ay mabait din si Brent 'no?"
Tanong sa kanya ni Dian habang naglalakad sila pabalik sa classroom.
"Oo pero mas madalas pa rin na napaka halimaw ng ugali niya"
"Grabe naman sa halimaw, pwede namang monster lang"
Natawa siya saka tinampal ito sa braso.
"Pareho lang naman 'yon, in-english mo lang"
"Magkaiba kaya 'yon!"
Pagpipilit nito at kunot noo naman niya itong tiningnan.
"Paanong magkaiba? Tagalog at english lang naman 'yon?"
"Magkaiba kaya 'yon ng spelling!"
Sagot nito saka tumakbo papasok sa classroom nila at natawa na lang siya. Nang makapasok sa room ay umupo na siya sa upuan niya at kinuha ang T.L.E notebook sa bag niya para magreview.
Medyo nahirapan siya sa exam ng T.L.E dahil sa dami ng terms at isinama pa ang isometric drawings na talagang nakakalugaw ng utak.
May mga sukat-sukat din na talagang hindi na niya alam kung paano sasagutin ngunit laking pasasalamat niya nang nakatapos siya ng maayos at sakto sa oras.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.