Chapter 42

244 12 0
                                    

C H A P T E R  42.......

Nang makarating siya sa bahay ay nakita niya ang mommy niya na nahahain na sa hapag kainan.

Medyo ginabi na naman siya ng uwi dahil kinailangan pa niyang tapusin talaga ang project nila sa filipino subject na naman.

By group iyon at may kanya-kanya silang task na naka-assigned sa bawat isa kaya naman kailangan niyang tapusin ang task na iniatang kanya.

"Mika, gabi na ah"

"Sorry po talaga mommy, kailangan ko lang talagang tapusin 'yong part ko sa group project namin sa filipino"

Sagot niya saka umupo sa sofa at inilagay ang bag sa tabi niya.

"Last na ito ha?"

Nakangiting tumango siya dito at pipilitin na lang siguro niya sa susunod na mga araw na umuwi ng maaga para din hindi na ito mag-alala sa kanya.

Pumunta muna siya sa kwarto niya para magpalit ng damit bago bumaba muli para kumain ng dinner.

Matapos kumain ay siya na ang nagvolunteer na maghugas ng mga pinagkainan nila para naman makabawi siya sa mommy niya.

Bumalik naman siya sa kwarto niya matapos ang mga gawain sa kusina. Kinuha niya ang phone niya na nakapatong sa bedside table niya saka binuksan ang messenger niya. Nakita niya agad ang chat ni Dian kaya naman napangiti sya.

Binuksan niya ang chat nito at nagulat siya nang may isend itong isang picture ni Brent sa kanya.

'Iyong crush mo oh!'


Agad naman niya itong nireplyan dahil online naman ito.

                                  'Hindi ko 'yan crush'

'Tologo bo?'

Nabasa niya agad ang reply nito at muli na naman siyang kinabahan. Nangangatal ang mga kamay na nagtype siya ng message para isend dito.

                               'Oo na, basta secret lang natin ha?'

'Inamin mo din! Basta, Mika ha?
Alamin mo ng mabuti 'yang mga pinapasok mo'

Napabuntong hininga na lang siya saka sumandal sa headboard ng kama niya.

                                        'Hindi ko naman inasahan ito'

'Alam ko 'yon kaya naman nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong'

Napangiti siya sa chat nito sa kanya. Kahit kailan talaga ay ito lang ang masasandalan niya kapag ganitong mga bagay.

                             'Thank you pero pwede humingi ng favor?'

'Oo naman, ano ba 'yon?'

                                  'Tayo lang ang dapat na makaalam nito ha? Bukas ay act normal ka lang, pls?'

Natatakot kasi siya na baka malaman iyon ng iba. Baka makarating iyon kay Brent at baka iwasan siya nito. Ayaw naman niyang mangyari 'yon dahil sayang naman ang mga pinagsamahan nila.

Bahagya na nga niyang nakausap ng matino si Brent at bahagya na din ito nagtiwala saka naging kumportable sa kanya ng lubos kaya hangga't maaari ay ayaw na ayaw niyang masira iyon.

Mas mabuti nang sila na lang ni Dian ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na ito. Hindi naman pati na ito kailangan pang malaman ng iba.

'Sure, no prob'

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon