Chapter 62

227 13 0
                                    

C H A P T E R  62...........

"Dhaine, nagawa ko na 'yong script. Kailan ba natin 'yon ishushoot?"

Tanong niya kay Dhaine dahil pinagawa siya nito ng script para sa project nila sa A.P subject.

"Mamayang dismissal ay pumunta ka doon sa audio visual room ha?"

"Sige"

Sagot niya saka bumalik na sa upuan niya. Mag-iisang linggo na simula ng hindi siya pansinin ni Brent at sa bawat araw na dumadaan ay palungkot siya ng palungkot.

Akala niya noon ay magiging masaya siya kapag nakawala siya mula sa mga pangungulit ni Brent ngunit ngayon ay parang may kulang naman sa kanya. Hindi buo ang araw niya kapag wala ang pangungulit nito.

"Mika, ano daw ang gagawin natin mamaya?"

Tanong sa kanya ni Lei nang makabalik siya sa upuan niya.

"Magvivideo daw tayo ng project natin sa A.P"

"Sige"

"May misa ba tayo ngayon?"

Tanong niya kay Lei dahil ang alam niya ay first friday mass ngayon ng march. Sobrang lungkot lang na sinalubong niya ang march nang hindi sila okay ni Brent.

"Oo, mayroon"

"Nakakatamad naman"

"Malungkot ka lang talaga"

Mahina na lang siya natawa saka kumibit balikat.

"Baka nga"

"Simula noong hindi kayo nagpansinan ay parang never pa ulit kita nakitang naging masaya ah?"

Dahil sa sinabing iyon ni Lei ay natigilan siya. Napansin pala nito ang bagay na iyon sa kanya.

Sino ba naman kasi ang magiging masaya sa sitwasyon nila ni Brent ngayon. Hindi niya alam kung friendship over na ba talaga sila o ano.

"Sinusubukan ko namang maging masaya eh"

"Iniasa mo na kasi sa kanya 'yong kaligayahan mo kaya ka nagkaganyan. Nasanay ka na siya na lang lagi 'yong nagpapasaya sa'yo. Marami namang ibang bagay na pwedeng maging dahilan ng saya mo, 'diba? 'Wag mong isipin na siya lang 'yong may kayang magpasaya sa'yo. Na siya lang ang pwedeng maging dahilan para mabuo ang araw mo dahil hindi ganoon iyon, Mika. Nabuhay ka nga ng masaya noong mga panahong hindi pa kayo nagkakakilala, 'diba? So meaning ay kaya mo ding mabuhay ng masaya ngayon kahit na hindi kayo nagpapansinan"

Napatango-tango siya sa sinabi nito dahil may pinupunto naman talaga ito. Hindi niya pwedeng basta iasa na lang kay Brent ang kasiyahan niya dahil hindi naman habang buhay ay magkasama sila.

Hindi habang buhay ay okay silang dalawa, katulad na lang ng nangyayari ngayon sa kanila.

"Sige, try ko—I mean gagawin ko pala"

"Pero nakakamiss din talaga 'yong kulitan niyo eh. Dati ay ang gulo dito sa linya natin dahil sa inyong dalawa pero ngayon ay nakakabagot na ang sobrang katahimikan dito"

Napabuntong hininga na lang siya saka napatitig sa likod ni Brent habang ito ay natutulog lang ngayon.

Siguro ay kung okay sila nito ngayon ay kukulitin siya nito at makikipaglaro ng arm wrestling kahit na wala naman siyang kapana-panalo laban dito.

"Sana nga ay maging okay na kami, kaya lang ay hindi ko naman alam ang dapat kong gawin"

"Sayang din 'yong friendship niyo kung mapupunta lang sa wala. Mukha ngang ikaw lang ang pinagkakatiwalaan n'yan dito eh"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon