"Birthday mo?"
Tanong niya kay Brent at tumango naman ito sa kanya.
"Oo pero hindi naman na mahalaga pa 'yon, parang normal day lang din naman para sa'kin ngayon"
Natawa siya saka tumango-tango. Ganoon talaga siguro kapag tumatanda at natatauhan ka na.
Noong pa bata siya ay excited siya tuwing sasapit ang kaarawan niya ngunit nitong nakaraang mga kaarawan niya ay parang normal na araw na lang din sa kanya.
"Parang dati lang excited na excited pa tayo"
"Oo, sobrang saya ko pa noon kasi nandito pa si mama"
Malungkot na sambit ni Brent ngunit ginantihan niya iyon ng ngiti. Hindi pwedeng sabayan niya ang lungkot nito ngayon. Kailangan niyang maging masaya para dito kasi kaarawan naman nito.
"Alam ko na pagkagising pa lang ng mama mo ay binati ka na niya ng 'Happy Birthday sa pinakagwapo kong anak!' kaya dapat masaya ka!"
Natawa ito saka tinaasan siya ng kilay na ikinatawa naman niya.
"Gwapo na pala ako sa paningin mo ngayon?"
"Hindi naman, talagang alam ko lang na iyon ang sasabihin ng mama mo kasi nag-iisa ka naman niyang anak na lalake"
Pareho silang natawa saka dumating na ang teacher nila.
"Good morning, Pious"
Agad silang tumayo saka bumati pabalik kay Ma'am Celine.
"Good morning, ma'am! God bless you!"
"You may take your seats"
"Thank you ma'am"
Umupo na sila saka inilibot ni Ma'am Celine ang paningin sa buong classroom.
"Napansin niyo naman siguro na apat na araw ng hindi pumapasok si JC. Kailangan kasi siyang operahan dahil may appendicitis niya"
Malungkot na sabi ni Ma'am Celine sa kanila na siyang ikinagulat naman ng karamihan.
"Ma'am, paano po 'yon? Tatanggalin ang appendix ni JC?"
Tanong ni Jankin at tumango naman si Ma'am Celine.
"Yes so let's pray for his fast recovery at kayo, 'wag niyo ng gagayahin si JC dahil baka kayo naman mamaya ang tanggalan ng appendix"
"Hindi na pala ako kakain"
Sabi ni Jankin at nagtawanan naman ang buong klase.
"Edi ulcer naman ang naging sakit mo!"
"Oo nga 'no?"
Parang batang natauhan ito at natawa na naman sila.
"Ang dami ng bobo sa mundo, dadagdag pa talaga si Jankin"
Bulong sa kanya ni Brent at natawa naman siya kaya natawa rin ito.
"Ikaw ba?"
"Gwapo lang, pasensya na 'yon lang ang ambag ko sa ekonomiya ng bansa"
Kunwari pang nalulungkot na sabi nito at napailing-iling naman siya.
"Ang yabang mo, gago"
"Pero gwapo"
Mahina na lang siyang natawa saka nagsimula na ang klase nila kaya natahimik na silang lahat. Maya-maya naman ay lumapit sa kanya si Shazie.
"Mika, tapos mo na ba 'yong script natin?"
"Oo, gusto mo bang basahin? Baka rin kasi may kailanga pang baguhin"
Kukuhanin sana niya ang notebook niya nang pigilan siya nito.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.