Page 7

520 19 0
                                    

Nutrition day nila ngayon at tulad ng dati nilang ginagawa ay magtitinda sila.

Kanya-kanyang RT ang tindahan nila pero magkakasama sila sa isang area at ang area nila ay malapit sa mini parish.

Kakaunti ang napunta sa tindahan nila dahil malayo mula sa karamihan ang area nila pero okay lang naman.

May inilalako din na paninda ang ibang kaklase niyang lalake kaya naman ayos na ayos.

May mga naka-assign na magtitinda pero sila ni Dian ay nag-uli na lang at taga bili na lang sila. Grade 7 pa lang ay ganito na ang gawain nilang dalawa.

Gusto kasi nilang matikman lahat ng paninda kaya naman bago mag nutrition day ay nag-iipon na talaga sila ni Dian ng pera.

Ngayong umaga ay may mga palaro pero hindi naman sila kasali doon ni Dian.

Mas gugustuhin na lang nila ang manood kesa ang sumali. Nag-eenjoy din naman sila sa panonood.

"Mika, tara bibili ng palabok! May nakita ako doon kanina!"

Sabi sa kanya ni Dian saka sila nagpunta sa isang tindahan ng grade 8 at doon bumili ng palabok.

"Tara pala doon sa vegetable and fruit carving contest. Panoorin natin sina Zyrina at Kit"

Yaya niya kay Dian at nagpunta sila sa mga table na nasa harap ng H.E room kung nasaan nandun ang nga participants ng vegetable and fruit carving contest para sa grade 9.

Sa grade 7 naman ay egg food art habang sa grade 8 ay vegetable salad making at sa grade 10 naman ay rice art.

Mamaya nila makikita ang mga finish products ng mga ito dahil ihahanay iyon lahat mamaya sa isang mahabang table.

"Zyrina! Kit! Wow, ang cute naman n'yan!"

Turo ni Dian sa sayote na ginawang swan. Maging siya ay hindi mapigilan ang mamangha.

Marami pang iba na inukit ang dalawa gamit ang mansanas at sayote.

"Ang galing niyo naman!"

"Madali lang 'yan, kayang-kaya niyo din 'yan"

Sabi ni Kit habang may inuukit sa sayote ngunit hindi pa niya alam kung ano 'yon.

"Para saan itong spray?"

Tanong ni Dian habang nilalaro ang spray na may lamang tubig.

"Para hindi matuyo itong mansanas at sayote"

Sagot ni Zyrina at tumango-tango naman silang dalawa.

Ang pangit nga pala kapag natutuyo ang gulay lalo na ang mansanas nagkakaron ito ng kulay brown.

"Zyrina, expert na expert ka dito ah"

"Mahilig ako sa ganito eh"

"Wow, sana lahat kayang gawin 'yan"

Mahina itong natawa saka tumingin sa kanya at ngumiti.

"Mika, sa youtube maraming ganito"

Siya naman ang natawa saka pinanood ang dalawa na mag-ukit.

"Good luck sa inyong dalawa! Dapat ipanalo niyo ang section natin ha? Bye!"

Umalis na sila ni Dian saka bumalik sa tindahan nila. Paubos na ang paninda nila kaya napangiti siya.

"Ubos na ang graham balls?"

Tanong ni Dian nang wala na itong makitang graham balls. Kakaunti lang kasi ang dinala ni Yakisu.

"Hindi ka kasi agad bumili eh"

Natatawang sabi ni Yakisu habang kumakain ng pancit habhab.

"Bakit kasi kakaunti ang dinala mo?"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon