C H A P T E R 23.......
"Bus number ano ka?"
Tanong sa kanya ni Janna dahil nasa school na sila ngayong 5:30 am para sa Coastal Cleaning. Lahat sila ay may bus number na naka-assign para doon sumakay.
Hindi sumama si Dian ngayon dahil inaantok pa daw ito kaya naman ang kasama niya lang ngayon ay sina Serina, Janna at Dawn.
Si Nicka naman ay hindi nila alam kung nasaan dahil hindi pa nila ito nakaka-usap muli.
"Number 6 ako"
"Magkakaparehas naman pala tayo, tanungan pa tayo ng tanungan"
Nagtawanan na lang sila saka pumila para mag-attendance, maraming sasama sa kanila ngayon. Luminga linga siya sa paligid at ang iba ay talagang mapapansin mong inaantok pa.
Mayroon din namang kadadating lang at ang iba ay nagpupuntahan na sa mga assigned bus ng mga ito.
"Mika, ang lamig!"
Yumakap sa kanya si Dawn at natawa na lang siya.
"Sa susunod kasi magdala ka ng jacket"
"Pasensya naman, nakalimutan ko kasi"
Umiling-iling na lang siya saka pumirma na sa attendance sheet.
"Tara na sa bus!"
Lumabas na sila ng school at hinanap na ang bus number nila. Medyo nahirapan sila sa paghahanap dahil maraming bus ang nandoon at dumagdag pa ang mga estudyante.
Sa huli naman ay nahanap na rin nila ang bus nila at agad silang nagpilian kung saan uupo.
Pinili niya ang pwesto na malapit sa bintana para makita niya ang view sa labas. Katabi naman niya si Dawn na busy sa paglalaro ng Mobile Legends.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintanan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang tiningnan kung sino ang nagchat at nakita naman niya ang chat ni Gino.
***
From: Gino
'Mika, nasa school ka na ba?'
***
Napangiti naman siya sa chat nito at agad niya itong nireplyan.
***
To: Gino
'Oo, kanina pa. Ikaw ba?'
***
Nakita niyang binabasa ni Dawn ang tinatype niya kaya agad niyang inilayo dito ang cellphone niya.
"Pumapag-ibig tayo ah! So ikaw na ba ang susunod na girlfriend ni Gino?"
Tanong nito at mahina naman siyang natawa saka kumibit balikat.
"Baka hindi pa ngayon pero asahan mo bukas"
Binatukan naman siya nito dahilan para mas lalo siyang mapatawa.
"Gaga ka talaga! Hindi na talaga sila nagkabalikan ni Bea?"
Tanong nito sa kanya dahil naikwento niya sa mga ito na break na nga si Gino at si Bea.
Parang gusto niya iyong ikwento sa kahit sino dahil talagang napaka-gandang balita niyon para sa kanya.
"Sana nga ay 'wag na"
Binatukan siya nitong muli at sa pagkakataong iyon ay gumanti na siya.
"Ang bad mo!"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.