C H A P T E R 67...........
"Mika, nandito ka rin pala"
Bumungad sa kanya si Kristen na ngayon ay papalabas na ng gate ng school nila.
Kailangan niyang bumalik ngayon dito sa school dahil nga hindi pa siya tapos na magpapirma ng clearance kay Mam Ly.
"Wala pang pirma 'yong MAPEH at AP ko eh"
Sabi niya saka ipinakita dito ang clearance slip niya na tanging MAPEH at AP na lang ang wala pang pirma.
"Pumila ka na agad, pumipirma na si Ma'am ngayon"
"Tapos ka na ba?"
"Oo, uuwi na ako"
Tumango na lang siya saka nagpaalam na dito. Kararating lang niya ngunit pauwi na agad ito.
Halatang para magpapirma lang din sa MAPEH at AP ang ipinunta nito ngayon. Kailangan kasing makumpleto ang mga pirma sa clearance slip nila para makuha nila ang card nila at para din makapag enroll sila sa grade 10.
"Dian!"
Pagtawag niya kay Dian nang makarating siya sa room nila at nang makita niya ito.
"Mika, nakapagpapirma ka na ba?"
"Hindi pa, kararating ko lang. Sandali lang"
Kinuha niya sa loob ng bag ang clearance slip niya saka agad siyang nagpunta sa classroom ni Mam Ly kung saan ito pumipirma ng clearance ngayon.
Mabuti na lang at kakaunti ang nakapila kaya mabilis siyang natapos. Maayos din naman ang lahat ng mga requirements niya dito kaya mabilis nitong pinirmahan ang clearance niya.
Bumalik naman siya sa loob ng room nila at nakita niya doon si Dian na kausap sina Janelle at Gela.
"Tapos ka na?"
Tanong ni Dian sa kanya nang makalapit siya dito at nakangiting tumango naman siya habang ipinapakita dito ang clearance slip niya na wala ng ibang kulang pa.
"Oo naman!"
"Uuwi ka na ba?"
Tanong sa kanya nito at kumibit balikat naman siya.
"Hindi ko pa feel umuwi eh kasi alam mo na, last day na ito at recognition day na ang kasunod"
"Gusto mo lang siyang makita eh pero 'wag kang mag-alala, nandito siya kanina"
Sabi ni Dian na nakapagpangiti naman sa kanya.
"Sino 'yon?"
Tanong ni Janelle sa kanya at umiling na lang siya.
"Wala, wala"
"Mika, patulong naman dito"
Sabi ni Gela saka iniabot sa kanya ang iPad na hawak nito. Bumungad sa kanya ang Word Escapes app nito.
"Anong gagawin ko dito?"
"Ikaw nga ang magsagot, 'di ako makaalis sa level na 'yan eh"
Natatawang tumango naman siya saka naupo muna sa bakanteng upuan na katabi ng kinauupuan nito. Tamang-tama ito dahil ayaw pa talaga niyang umalis.
"Kanino ba ito?"
Tanong niya at ang tinutukoy niya ay kung sino ang may-ari ng iPad na hawak niya.
"Kay Janelle"
Tumango siya saka nilaro muna niya iyon. Nagpaalam naman muna sina Gela at Janelle na bibili lang daw sa canteen ng makakain.
"Mika, after nitong araw na ito ay hindi na kayo magkikita"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.