Chapter 24

312 17 0
                                    

C H A P T E R  24.......

Regular class na naman sila ngayon after ng ilang araw nilang puno ng iba't ibang mga activities. Naka p.e. uniform sila ngayon dahil may practical sila sa volleyball para sa physical education and health subject nila.

Hindi nga niya alam kung paano pa iyon lalaruin dahil matagal-tagal na rin noong huli siyang nakapaglaro ng volleyball.

Babagsak tayo n'yan sa p.e.!

Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang lumapit sa kanya si Elwyn.

"Bakit?"

"Pwede patupi? Hindi ko kaya ng mag-isa eh"

Mahina naman siyang natawa dahil pagkalaki-laki nitong lalake ay hindi kayang magtupi ng braso ng suot nitong p.e. t-shirt.

"Ano ba naman 'yan, Elwyn?"

"Hindi ko nga kasi kaya!"

Natawa siya at sinenyasan ito na yumuko ng kaunti upang maitupi niya ang braso ng p.e. tshirt nito dahil nakaupo siya ngayon.

Akmang itutupi na sana niya iyon nang biglang may humawi sa kamay niya. Pagtingin niya ay si Brent iyon habang masama ang tingin kay Elwyn.

Hindi niya namalayany nakaupo na pala ito ngayon sa tabi niya.

"May kamay ka 'diba?"

Tanong nito kay Elwyn sa malamig na tono.

"Hindi ko nga kasi—"

Agad na tumayo si Brent sa pagkakaupo nito sa tabi niya at lumapit kay Elwyn. Ito na ang nagtupi ng braso ng p.e. tshirt nito saka bumalik sa kinauupuan nito.

Kanina pa itong mukhang bad mood at hindi nya naman maintindihan kung bakit pero dahil siguro sanay na siya ay hindi na niya ito pinakaielaman pa.

Baka mamaya ay sa kanya pa nito maibuhos lahat ng galit nito. Nakatingin lang siya dito hanggang sa tumingin ito sa kanya.

"Balak mo ba akong tunawin sa mga titig mo?"

Agad siyang nag-iwas dito ng tingin at ibinaling na lang ang atensyon sa notebook niya na kanina pa niya ginugurihan.

Wala kasi syang magawa at ang teacher naman nila ay absent at wala atang teacher na balak pumunta sa classroom nila.

"Wala akong magawang matino, ano ba 'yan!"

Sabi niya sa sarili at naramadaman naman niya ang paglingon sa kanya ni Brent.

"Pwede mo akong kausapin"

Napatingin siya dito at ngayon naman ay nakangiti na ito sa kanya.

Pambihira!

"Hindi ba at bad mood ka kani-kanina lang?"

Tanong niya dito na nagpakunot naman ng noo nito.

"Hindi ah, may iniisip lang ako"

"Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Kailangan ba na kapag may malalim kang iniisip ay nagsasalita ka?"

Pabara na tanong nito at napanguso naman siya. Ngayon ay nambabara na naman ito, parang kanina lang ay hindi ito makausap dahil sa madilim na aura na bumabalot dito.

"Ang cute talaga!"

Bigla na lang nasabi niya at napatakip naman siya sa bibig niya.

Dapat ay sa isip lang niya iyon ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naisatinig niya iyo.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon