Monday na at malapit na silang maglipatan ng upuan.
Third subject nila sa umaga ang computer kaya naman excited na ang iba sa lipatan habang ang iba ay nalulungkot dahil mahihiwalay na daw sila kuno sa mga katabi nila.
Iisang classroom pa din naman sila at kaunting agwat lang kung malalayo ang mga ito sa isa't isa pero kung maka-arte ay akala mo naman ay lilipat na ang isa sa kabilang school.
"Sino kaya ang magiging katabi ko?"
Parang kinakabahan na tanong ni Jen sa kanya. Rechecking lang naman sila ngayon at buti na lang, wala siyang failing score.
Lumipat ng upuan si Jankin kaya naman si Dian muna ang katabi niya ngayong mga oras na ito.
"Malalaman naman din natin 'yan mamaya"
"Ano bang date ngayon?"
Tanong nito sa kanya at tiningnan naman niya ang relong pambisig niya.
"August fourteen"
"Okay, thank you!"
"Ang aga naman natin maglipatan ng pwesto"
Napatingin siya kay Dian saka tumango. Masyado ngang maaga kaya naman talagang magmumukhang mahaba ang second quarter.
"Nagmamadali ata si Mam pero hayaan na gusto din naman natin"
"Sana babae ang katabi ko"
"Well, sana..."
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa ideal seatmate kuno nila.
Basta tahimik ang kanya at mabait para naman madali pakisamahan. Maganda sana kung babae para may kachikahan siya.
"Good bye, class!"
"Good bye and thank you, Sir Ben!"
Lumabas na ng classroom nila si Sir Ben na siyang subject teacher nila sa math kaya naman umingay na sa buong klase nila.
Computer na kasi ang next na subject at meaning non ay lipatan na ng pwesto. May ilang nakabag na agad para ready na.
Nag pumasok na nga si Ma'am Celine ay mas lalo pang umingay. Nagpunta si Ma'am sa teacher's table saka humarap sa kanila.
"Good morning, Pious!"
"Good morning, Ma'am!"
"Pious, hindi tayo maglilipatan hangga't maingay kayo"
Sa sinabing iyon ni Ma'am Celine ay nanahimik sila at umayos na upo.
"Thanks for the silence"
Humarap si Ma'am Celine sa board habang hawak ang isang bondpaper. Nagdrawing si Ma'am doon ng mga squares.
Nang lagyan ni Ma'am ng pangalan ang mga squares ay napag-alaman nilang 'yon na ang next na seating arrangement nila.
Ang iba na nakikita na ang pangalan ay may kanya-kanyang reaksyon at nang makita na niya ang pangalan niya ay ayos lang sa kanya ang pwesto niya.
Malapit siya sa bintana kung saan kitang-kita ang magandang bundok ng Mt. Banahaw tsaka mahangin din kaya ayos na ayos.
"Okay 'yan na ang seating arrangement niyo ngayong second quarter. Hope you enjoy this quarter with your new seatmates. Pwede niyo ng dalhin ang mga upuan niyo sa bago niyong pwesto"
Sabi ni Ma'am ng matapos ito kaya naman agad silang kumilos. Magaan lang naman ang mga upuan nila kaya madali lang buhatin.
Inilipat niya iyong kanya sa bagong pwesto niya at ganoon din ang ginawa ng iba.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.