C H A P T E R 17......
"Annie, bakit ka umiiyak?"
Tanong niya nang magpunta si Annie sa tabi niya.
"N-nagsuka k-kasi ako"
"Ano?! Bakit?!"
Pinahid nito ang luha nito at binigyan naman niya ito ng panyo na kinuha niya mula sa bulsa ng palda ng uniform niya.
"S-si B-brent kasi"
Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napatingin kay Brent na nakikipag-tawanan kasama sina Yakisu sa may sulok ng classroom.
"Anong ginawa niya?"
"B-binatukan niya ako eh ang s-sama ng p-pakiramdam ko k-kanina pa"
Hinagod niya ang likod nito para kumalma ito kahit papaano.
"Huwag ka ng umiyak, lalo lang sasama ang pakiramdam mo. Nagsorry na ba siya sa'yo?"
"H-hindi"
Brent!
"Ano bang ginawa mo? Baka naman ginalit mo?"
Tanong niya dito dahil alam niyang hindi iyon gagawin ni Brent ng walang dahilan. Maaaring nagalit ni Annie si Brent at nawalan ito ng kontrol. Ganoon naman kasi kadalasan si Brent kaya kailangan talaga ng may umiintindi dito.
"W-wala naman akong g-ginagawa sa k-kanya. N-nagkukwentuhan lang k-kami nina V-vince tapos b-bigla niya a-akong p-pinalo sa likod"
Sa puntong iyon ay lumabas na ang inis niya kay Brent. Sino namang loko-loko ang bigla na lang mamamalo sa likod?
Malamang si Brent!
"Tara, sasamahan kita sa clinic at baka kung mapaano ka pa. Sabi pa naman sa'kin ni mommy ay masama ang napapalo sa likod dahil baka daw kasi mamaya ay sumuka ka ng dugo. May dugo ba 'yong isinuka mo kanina?"
"W-wala naman"
Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Inalalayan niya itong tumayo at pinunasan niya ang mga luha nito sa pisngi.
"Tara na"
Tumango ito saka nagpaalam siya kay Sir Ben na siyang subject teacher nila ngayon para samahan sa clinic si Annie. Pinatulog muna ito sa clinic kaya naman bumalik muna siya sa classroom. Babalikan na lang niya ito mamayang break time kapag gising na ito.
"Mika, saan ka galing?"
Tanong ni Brent sa kanya nang makabalik siya ngunit hindi niya ito pinansin.
Nakakainis ka! Wala namang ginagawang masama sa'yo si Annie!
"Mika, ano? Hindi mo ako papansinin? Bakit?"
Tanong pa nito ngunit sa halip na sumagot at pansinin ito ay si Kristen na lang ang binalingan niya ng pansin.
"Kristen, may ipinagawa pa bang iba si Sir noong umalis ako?"
Tanong niya kay Kristen at umiling naman ito sa kanya.
"Wala na"
"Sige, thank you"
Kinuha niya ang notebook niya para maghanda sa next na subject. Ramdam niya ang mga titig sa kanya ni Brent ngunit hindi na lang niya iyon ulit pinansin.
"Mika, galit ka ba? Sorry na kung oo man"
Tamad niya itong tiningnan at nakanguso naman ito sa kanya. Umiling-iling na lang siya saka ibinalik ang tingin sa mga notes niya.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.