Chapter 41

237 12 0
                                    

C H A P T E R  41.....

Tambak na naman ang mga projects nila sa bawat subjects dahil nga nasa third quarter na sila. Pinaka ayaw niya talaga ang quarter na ito dahil dito siya madalas na natatambakan ng mga gawain.

Sunod-sunod ang mga major projects nila sa iba't ibang subjects. May reporting sa Araling Panlipunan na hindi na niya naintindihan kung anong topic ang kanila at kung sino ang mga kagroup niya.

"Zyrina, may copy ka ba ng groupings para sa reporting sa A.P? 'Di ko kasi masyadong naintindihan 'yong mga sinabi ni Maam Ly"

"Sorry pero wala eh hindi ko kinopya"

Bumuntong hininga siya saka tumango-tango na lang.

"Sige, salamat"

Baka mamaya na lang siya maghahanap ng kung sino mang sinipag na kopyahin ang list ng groupings. Busy siya sa ginagawa niya ngayon na project para sa filipino subject.

"Mika!"

Napalingon siya sa bandang likodan niya dahil may tumawag sa kanya at nakita niya doon si Brent na nakangiti sa kanya.

"Bakit?"

Tanong niya dito at lumapit naman ito sa kanya saka inilapag nito ang libro nitong A.P sa lamesa ng armchair niya.

"Ano ang gagawin natin sa reporting?"

Tanong nito at kunot noo naman niya itong tiningnan.

"Bakit mo ako tinatanong?"

"Magkagroup tayo ah!"

"Eh?"

Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Hindi niya alam na kagroup niya pala ito. Actually ay hindi nga niya alam kung saang grupo ba siya nabibilang.

Bahagya na lang siyang napangiti sa likod-likod ng utak niya nang malaman na kagrupo niya pala si Brent.

Thank you, Lord!

"Oo nga! Ayaw maniwala eh bahala ka nga d'yan, yabang mo!"

Nagtatampong umalis ito sa harapan niya at lihim naman siyang napatawa.

Seriously? Mood swings again?

"Nakakainis talaga 'yon"

Napalingon sa kanya si Zyrina saka ngumiti.

"Iba ka rin mainis kay insan 'no? Nakangiti ka pa rin eh"

Mahina siyang natawa saka kumibit balikat.

"Nasanay na lang siguro ako d'yan sa pinsan mo"

Natawa na lang ito saka niya muling nilingon si Brent na ngayon ay naka subsob na lang sa desk ng armchair nito.

"Puntahan mo na si insan hindi, naman 'yon galit sa'yo. Siguro ay nagtatampo lang 'yon"

"Alam ko naman 'yon, kaya nga ako natatawa. Ngiting-ngiti siya noong lumapit sa'kin tapos biglang nagpalit agad ng mood maya-maya"

Natawa silang dalawa ni Zyrina saka ito tumango-tango.

"Ganoon talaga si insan, mamaya ay maingay tapos mamaya din naman ay tatahimik 'yan na parang ang lalim ng iniisip"

"Kaya nga hindi ko 'yan mabiro pabalik. Kapag siya ang nang-aasar ay ang saya-saya niya pero 'pag ako na ang mang-aasar pabalik ay galit na 'yan. Basta, ang hirap niya talagang spellingin"

"Puntahan mo na"

Pagpipilit sa kanya ni Zyrina at tumango naman siya.

"Sige pero mamaya na lang sigurong recess time natin tutal kaonting minuto na lang naman ay recess na. Kailangan ko lang talagang tapusin na itong ginagawa ko"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon