"Mika! Pumunta ka na sa classroom, dali! Kanina ka pa iniintay nina Shazie at Dhaine!"
Si Vien agad ang bumungad sa kanya nang makapasok siya sa gate ng school. Monday kasi ngayon ngunit walang pasok dahil may activity ang buong klase ng grade 9 ngayon.
Nakareserved ang buong school para sa'min!
"Sorry naman, ang aga niyo kasi—"
"Tara na!"
Bigla siyang hinigit ni Brent na hindi man lang niya alam kung saan ito sumulpot. Aminado siyang tinanghali siya ng dating dito sa school ngayon dahil tinanghali siya ng gising.
"Sandali lang naman!"
Tumigil siya sa paglalakad dahil talagang masakit ang pagkakahawak nito sa braso niya.
"Kanina ka pa nila iniintay, kailangan ka nila doon dahil walang maaasahan sa iba nating mga kaklase"
"Katulad mo?"
"Umayos ka nga!"
Hinila na naman siya nito at nang makarating sila sa classroom ay agad niyang nakita si Dhaine na inaayos ang isa sa mga props nila na kubo.
Si Shazie naman ay inaayos ang ilan pang props katulong ang ilan sa mga maaasahan nilang kaklase.
"Mika! Buti naman at dumating ka na. Paayos naman ng isa pang kubo, please?"
Pakisuyo sa kanya ni Dhaine at tumango na lang siya saka pinuntahan ang isang kubo na yari sa karton.
Flat lang iyon dahil background lang naman ito mamaya sa play nila.
"Bakit ba kasi tanghali ka na dumating?"
Nakita niya si Brent sa tabi niya at tumutulong din sa pagpapatibay ng kubo para tumayo ito ng maayos mamaya sa stage.
"Ang aga pa kaya!"
"Napag-usapan naman kagabi 'diba na maaga dapat?"
"Wow ha? Ikaw ba 'yan? Akala ko ba wala kang balak makiparticipate dito? Inis na inis ka pa nga sa mga linya mo 'diba?"
Mahina itong natawa saka kumibit balikat at lumapit sa kanya bago bumulong sa tenga niya.
"May inspirasyon kasi ako"
"Inlove na inlove tayo ah?"
"Idol kasi kita"
Natawa na lang siya saka umiling-iling. Ito lang naman ang may masaganang love life sa kanilang dalawa ngayon.
"Tapusin niyo na 'yan! Mamaya na ang landian!"
Natatawang sigaw ni Neth mula sa bintana ng classroom nila dahil nasa corridor sila ngayon ni Brent habang nakaupo sa sahig.
Malaki kasi ang space dito kumpara sa loob ng classroom na na may mga arm chairs at iba pang props. Natawa na lang sila pareho ni Brent saka itinuloy na ang ginagawa.
"Tapos na!"
Sigaw ni Brent saka nag-inat ng braso, nakahinga din naman siya ng maluwag nang makitang maayos na nakatayo ang kubo na ginawa nila.
"Guys, tara na daw sa mini-gym!"
Nagpunta na sila doon at nakita niya ang ilang grade 9 students mula sa iba't ibang sections na nandoon na rin.
"Mika, kinakabahan ako!"
Sabi sa kanya ni Dhaine at nginitian naman niya ito saka siya nagthumbs up dito.
"Okay lang 'yan basta makapagperform kayo ng ayos ay okay na. Sundin niyo lang lahat ng nasa script na ginawa ko tsaka nagpractice naman tayo kaya alam kong kayang-kaya niyo na 'yan"
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.