C H A P T E R 39..........
Kumain muna sila ni Dian ng lunch dahil lunch time na rin naman saka sila nagpunta sa girl's comfort room para magpalit ng tshirts dahil madumi na ang mga suot nila.
Mamaya na ulit itutuloy ang ilan pang mga stations na natitira at hindi pa napupuntahan ng kanilang klase.
"Sana next year ay may ganito ulit!"
Masayang sabi ni Dian nang makalabas ito sa cubicle matapos magpalit ng sariling damit.
"Sana nga pero may JS Prom na tayo next year kaya baka hindi muna ulit magkaroon ng ganito"
"Oo nga pala! JS na natin next year! Parang mas lalo akong na-excite ah!"
Tumango-tango siya habang sinusuklay ang buhok niya at nakaharap sa salamin ng c.r. Maging siya ay excited na rin para sa JS Prom nila next year.
"Noong grade eight pa lang tayo ay excited na excited ka na d'yan eh"
"Syempre naman, parang ngayon pa nga lang ay gusto ko ng magpatahi ng dress na susuotin ko"
Mahina siyang natawa saka humarap dito.
"Anong color?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, blue at ikaw ay alam ko namang violet ang sa'yo"
Nakangiti siyang tumango saka nakaramdam rin ng excitement. Sabi ng iba ay pinaka memorable daw talaga ang JS Prom kaya naman pinaghahandaan talaga iyon ng lahat.
Lalo na silang mga babae, sila talaga ang pinaka excited sa JS Prom kaysa sa mga lalake.
Para kasi sa mga lalake ay kaartehan lang ang JS pero para sa kanilang mga babae isa 'yong gabi na dapat pakatandaan.
Isang beses lang iyon sa buhay ng isang estudyante at maswerte sila na mararanasan nila iyon.
"Sino ang mag-aayos sa'yo?"
"Syempre ako! Lalayo pa ba?"
Natawa na lang siya saka humarap muli sa salamin at nagsuklay. Dati pa man ay gustong-gusto na ni Dian na inaayusan ang sarili.
Minsan nga ay humiling pa ito sa kanya na aayusan daw siya nito ngunit hindi namna siya pumayag dahil ayaw niya talaga ng mga usapang make-ups.
Ayaw din niya na nilalagyan ang mukha niya ng kahit na anong make-up dahil hindi naman niya iyon hilig at lalong hindi niya iyon kailangan.
"Mika, tara na sa classroom dahil baka mamaya ay magsimula na ulit pumunta na sila sa kung saan mang station, baka maiwan tayong dalawa"
Tumango siya saka sila umakyat na sa hagdan papunta sa classroom nila. Pagpasok naman nila doon ay nagpipicturan ang iba nilang mga kaklaseng babae gamit ang DSLR camera ni Ace.
Ang mga lalake naman ay nasa isang sulok lang at nagkakantahan habang tumutugtog ng gitara si Yakisu.
Napangiti siya nang mahagilap ng mga mata niya si Brent na masayang nakikikanta rin kasama ang mga kaibigan nito.
Hindi na ito nakasuot ng lab coat dahil siguro binanas na ito ngayon. Tanghaling tapat naman kasi at makapal pa naman ang tela ng suot nito kanina na coat.
Napansin rin niyang nakapapalit na ito ng damit. Ngayon ay nakasuot ito ng tshirt na kulay itim at may nakalagay na malaking simbolo ng under armor sa gitnang bahagi.
Bawal ang itim na tshirt sa kanila dahil kailangan ay puti lang ang dalhin nilang extra ngunit wala talagang makakapigil dito pagdating sa pagsusuot ng ibang kulay ng tshirt.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.