"Muling Aasa"
Ni:Camille Malate
Ako'y muling magtitiwala
Hindi alintana kung ako ba'y aasa sa wala
Sa aking pagtitiwalang muli
Sana'y hindi na ako masaktan uli
Mahal kita, yan ang aking dahilan
Kahit ilang beses mo pa akong saktan
Ikaw parin ay aking tatanggapin
Ganyan kita kung mahalin
Kaya't wag mo sanang sayangin
Ang pagmamahal kong walang katulad at walang hanggan,
Sabihan niyo na akong tanga
Yan ay aking tatanggapin
Dahil siguro ganoon talaga
Na pag ika'y iibig ay magiging tanga ka at di pansin kung ikaw ba'y nasasaktan
Sa huling mensahe na iyong ipinadala
Ang sabi mo mahal mo ako
Ngunit ikaw lamang ay may aayusin
Yan ang iyong dahilan
Ang sabi mo babalikan moko
Kaya eto ako ngayon
Patuloy na aasa sayo
Na ang mga sinabi mo'y iyo ng papanindigan
Dahil kahit nasasaktan ako ikaw parin ang laman ng puso ko
Kahit na ako'y sinasabihan na ika!y iwan
Hindi ko kaya dahil mas lalo akong masasaktan
Dahil sa mga sinabi mo
Ang mundo ko'y muling nabubuo
Ang dating durog, wasak, madalim at walang buhay
Ay muli ng nagkakakulay
Ako'y nagpapasalamat dahil ako'y nabuhayan
Kahit papaano ako'y may laban
Sana lang talaga'y wag mokong iwanan ng tuluyan
Dahil hindi ko kaya na ika'y mawala pa saakin.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PuisiYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...