"Tanggap"
Ni:Camille MalateSa bawat gabi
Ako'y napapamuni-muni
Nagtataka kung bakit
Hindi matanggal ang sakitMalamig na hangin
Ang tanging umaakap saakin
Mapapapikit ang mga mata
At kusang babagsak ang luhaPag-iibigang dati'y mainit
Ngayon ay napuno ng paghikbi at sakit
Ginawa kong ika'y ipaglaban
Pumayag saiyong mga kondisyonNagbakasakali ako na baka maging epektibo
Umasa na baka babalik ang dating tayo
Nag hintay ako ng ilang linggo
Bago ako ulit magtanong sayoHinayaan kita mag-isip
Hindi ka palaging kinausap
Baka kasi ika'y maistorbo
Natakot akoNgunit wala akong nagawa kundi tanggapin
Ang realidad at katotohanan
Nang sinabi mong "ayaw mo na"
Na hindi mo na kayaNanikip ang dibdib ko
Gumuho ang aking mundo
Pinigilan ang luha
At pikit matang napabuntong hiningaSiguro hanggang dito nalang tayo,
Tangap ko naman na hanggang dito nalang tayo
Mahal kita, kaya papalayain na kita.
Salamat nalang sa ilang buwang ika'y aking nakasama.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...