"IBALIK"

8 1 0
                                    

Ni: Camille Malate

Nais kong balikan
Ang mga panahon
Na kung saan tayo'y masaya--
Mga oras na ang ating pag mamahalan ay masigla

Nais kong ibalik
Ang mga araw na pareho tayong sabik
Sa mga yakap at halik na ating pinagsasaluhan
Mahal, nais kong balikan

Ang mga araw at buwan na lumipas
Bawat dilobyo o unos
Na sumubok sa ating pagmamahalan
Na sana'y ating magiging gabay at sandigan

Mahal, ikaw ang aking mundo
Sayo umiikot ang lahat ng meron ako
Nais kong magbalik tanaw
Sa mga panahong ang pag-ibig mo ay kasing init ng araw--

Na dumadampi sa aking balat
Ngayon, para na tayong malamig na hingin
Na sa bawat pag hampas nito patungo saakin
Walang kasing lamig at papantay sa nadaramang sakit

Sana'y hindi pa huli,
Nais kong ibalik ang lahat sa dati
Ako'y umaasa at nangangarap na ako'y tatanggapin mong muli
Mahal kita at alam mong ayaw kong may kahati

Kaya sana, lumaban ka rin para sa ating dalawa
Maghihintay ako ng ilang taon gaya ng sabi mo
Maghahantay ako at hindi magsasawa
Tandaan mo, mahal kita ng higit pa sa inaakala mo kaya kakayanin ko na maghintay sayo.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon