"Ako naman"
Ni:Camille Malate
Kailan kaya darating yung araw na ako naman ang makikita mo?
Alam ko magkaibigan lang tayo,
Pero sana ako naman ang mahalin mo,
Mahalin mo gaya ng pagtingin ko sayo,
Kelan kaya? Yung panahon na hindi mo na ako makikita bilang kaibigan mo?
Kasi naghahantay pa din ako
Kahit na alam kong malabo
Pero hindi ako sumusuko dahil naniniwala ako
Alam ko medyo may pag assumera ako
Pero hindi naman ako magkakaganito
Kung sa mga galaw mo ay walang malisya at di ka nagbibigay motibo
Kaya please sana ako naman ang mahalin mo,
Ang hirap din kasi nung ako lang ang nagmamahal sating dalawa
Yung bang higit sa pagkakaibigan at hindi lang basta basta matalik na magkaibigan?
Hindi ba maari yon? Yung tayo ay maging magkatipan?
Sana ako naman?
Pangako na pag ako ang naging iyong kasintahan
Ay gagawin ako ang lahat at ikaw ay aking iintindihin
At Araw-araw kitang papasayahin
Pero bakit ganon?
Bakit ayaw mo?
Bakit mas pinipili mo siya? Hindi ba pwedeng ako muna ang iyong mahalin?
Yung ako naman ang may ari ng puso mo?
Please ako naman,
Nahihirapan na din kasi ako aking kaibigan
Hinihiling ko lang na sana ako naman ang iyong mahalin
Kaya sana ako ay iyong pagbigyan
Kaya please sana ako naman.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...