"Kalikasan"
Ni:Camille Malate
Aking inang kalikasan?
Ayos ka pa ba?
Kamusta kana?
Kaya mo pa ba?
Siguro hindi na
Dahil ikaw ay unti unti ng nasisira
Ang dating kulay asul na tubig ng ilog,dagat at sapa
Ngayon ay kulay itim na
Ang dating luntian na bundok
Ito'y nakakalbo na at nawawasak
Ang kapaligiran na dati'y dalisay
Ngayon ay puro basura na at ito pa ay makukulay
Na pupukaw talaga sa iyong mata
Ang dating sariwang hangin na ating nalalanghap
Ngayon ay kay hirap ng mahanap
Dahil puro pollution na ang iyong malalanghap at makikita
Oo tayo'y umuunlad na
Ngunit huwag naman sana nating kakalimutan
Na may inang kalikasan na dapat tayo ay alagaan
Dahil pag hindi natin siya inalaagan siya ay mawawala
At tayo ang mahihirapan
Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari?
Diba nararamdaman na natin?
Ang pagbabago sa ating mundo na hindi mo wari--
Lalo na ang ating panahon
Dahil nagbabago na ito
Nararamdaman mo din ba ang pag init ng mundo?
Ang babago ng klima at ito'y hindi na aayon sa tamang panahon?
Ako'y nababahala
Dahil sa paglaki ng pollution
Madami ang nagbabago na hindi inaasahan
At ako'y nag-aalala na
Baka magalit na ang inang kalikasan
Dahil hindi niya narramdaman ang pagmamahal na dapat para sakanya
Ako'y nasasaktan
Dahil kakaunti nalang at iilan nalang ang nag aalaga sakanya
Sana huwag na nating palalain pa ang sitwasyon
Sana kumilos na tayo habang maaga pa
Dahil pag tayo ay nahuli na
Tayo rin ang mahihirapan
Sana iwasan na natin ang pagiging pabaya
Umpisahan nating lahat sa ating mga sarili
Na isipin natin na hindi pa huli
Na tayo'y may magagawa pang paraan upang siya'y ating maisalba
Magtapon ng basura sa tamang lagayan
Tayo'y mag tanim ng puno
Iwasan ang mga makakasira sa ating kalikasan
Upang siya'y ating maligtas at ang buong mundo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...