"Sumugal ako"
Ni:Camille Malate
Ako'y sumugal para lang sayo,
Hindi alam kung ako ba'y magwawagi o matatalo,
Pero dahil sa pag-ibig ko sayo,
Sumugal ako,
Alam kong mahirap ang pinasok ko,
Pero hindi ko na inisip pa
Kung ako ba'y masasaktan o hindi dahil mahal kita
Alam ko mukha akong tanga pero ito ang sinisigaw ng puso ko.
Sinisigaw nito ang pangalan mo
At ikaw ang gusto nito
Kahit na ako lamang ay sumusugal
Para sa aking pagmamahal
Kahit madalas ako'y baliwalain mo
Ayus lang dahil kahit papano
Ako,y napapansin mo
At nagkakaroon ka ng kahit kaunting oras para kausapin ako
Pero tama ba na sumugal ako?
Kahit na nasasaktan ako?
At naghihintay palagi sayo?
Pero kasi mahal kita at wala akong magawa para ihinto ito
Sa pagsugal kong ito,
Parati nalang akong umiiyak
At di na nakakatulog pa ng payak
Ang hirap pala nito
Akala ko sa pagsugal kong ito
Mas lamang ang pagiging masaya ko
Ngunit ako'y nagkamali dahil puro lungkot ang dulot nito
Hindi ko inasahan na ganito pala ka grabe ang pinsala nito sa aking puso
Pero eto parin ako nakikipag sapalaran
At sumusugal pa din
Kahit na hirap na hirap na ako
Patuloy pa din ako at umaasa na mamahalin mo,
Pero hanggang saan kaya ang kaya ko?
Susugal pa ba ako hanggang dulo?
Pero mahal tatandaan mo
Kahit na paulit-ulit nalang ang nasasaktan ako, hanggat kaya ko ikaw parin ang mahahalin ko
Kahit sumusugal lang ako.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
شِعرYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...