"Dati"

10 1 0
                                    


Dati ikaw ang dahilan ng bawat ngiti
Dati ikaw ang dahilan bakit ako tumatawa
Ngayon-- ikaw na ang dahilan ng bawat paghikbi,
Ikaw rin ang dahilan kung bakit ngayon lungkot ang aking nadarama

Ikaw ang nagsilbing araw sa mundo ko,
Ikaw ang bumuo sa puso kong nagkapira-piraso,
Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako dati nabuo
Binigyan mo ng kulay ang mundo ko

Ikaw ang sumalo sa bawat araw na iiyak ako,
Ikaw ang tumulong saakin na bumangon ako,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako naka ahon---
Sa bagyong dulot ng isang taong sinaktan ako ng lubusan

Kaya ikaw, ikaw ang pinipili ko,
Pinaramdam mo na mahalaga ako sa tulad mo,
Pinaramdam mo na napaka espesyal ko saiyo,
Pinaramdam mo ulit saakin na masaya pala ang maging magkasama tayo

Ngunit sandali, muntik ko ng nakalimutan
Oo nga pala, dati yon.
Iba na yung ngayon
Wala e, nagbago na yata ang iyong pagtingin

Kung dati ikaw ang naging araw ng mundo ko,
Ngayon ikaw na ang buwan na nagpapadilim ng aking mundo
Kung dati'y ikaw ang bumuo sa puso kong nagkapira-piraso
Ngayon ikaw na ang dahilan kung bakit mas lalo itong nadurog sa pagkapira-piraso

Kung dati'y ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo ko
Ngayon, ikaw na rin yung dahilan kung bakit ito uli naging walang buhay
Kung dati ikaw ang sumalo sa panahong ako'y kasalukuyang nahuhulog ng walang malay
Ngayon binitawan mo ako ng nas mataas kumpara sa dating taas na pinanggalingan ko,

Nag-iba na lahat sa dati at ngayon,
Masakit isipin ngunit kailangan ko ng ayusin
Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na sa tulad ko
Pero sana, pag isipan mo pa, maghihintay ako, pangako.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon