"Kaibigan"

18 1 0
                                    

"Kaibigan"
Ni:Camille Malate

Kaibigan, yan ang meron tayo
Hindi pwedeng lumevel up
Dahil alam ko pag lumevel up tayo
Maaari kang mag give up

Pinili ko na maging mag barkada tayo
Dahil yon ang mas makakabuti saating dalawa
Dahil doon mas magtatagal tayo
Kesa sa maging tayo, tapos pag naghiwalay tayo mawawala na ang dati nating pagsasama

Kaya sana huwag sumama ang iyong loob saakin
Dahil pinili ko na maging magkaibigan lang tayo
At hindi ko intensyon na ikaw ay saktan
Tandaan mo kahit walang tayo andito pa rin ako.

Hindi kita iiwasan gaya ng iniisip mo
Nakita mo naman diba?
Nung gabing inamin mo na gusto mo ako?
Kinabukasan parang wala lang ang nangyari at magkatabi parin tayong dalawa?

Pero sana huwag kang mas mafall
Kasi di kita kayang saluhin
Kaya pasensya na kung dikita sakayang saluhin
Di pa kasi ako nakakamove on doon sa aking minahal

Pero tatandaan mo.
Kahit walang tayo
Andito pa rin ako
Hindi ka iiwan at hindi ka iiwasan dahil kaibigan kita kahit gusto mo ako.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon