BALIK KANA

19 3 0
                                    

"Balik kana?"
Ni:Camille Malate

Hating gabi nanaman
Ako'y nakatingin sa bubungan
Napapaisip ako
Na aalala mo pa kaya ako?

Ang sayang balikan
Mga alaalang ating pinagsamahan
Ngunit sa dulo puro sakit
At pikit matang kinakalimutan kang pilit

Ngunit sa kakaisip sayo
Naisip ko, iniisip mo rin kaya ako?
Nais kong tayong magbalikan
Ngunit alam kong suntuk sa buwan

Nais kong maayos tayo
Ngunit ayaw mo na ng may tayo
Nais kong mapalapit muli sayo
Ngunit pilit kang lumalayo

Balik ka na?
Nais kong itanong sayo
Ngunit alam kong aayaw ka
Dahil may bago ng gusto ang puso mo

Balik kana, tatanggapin naman kita ng buo
Ngunit iba pa rin ang hinahanap mo
Bakit ba hindi nalang ulit ako?
Paulit-ulit na umiikot sa isip ko

Kung babalik ka man
Andito lang ako, tinutupad pangako ko
Mahal kita, alam mo yan
Kaya kung babalik ka, sabihan mo lang ako.

A/N:broken ako hahaha juk

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon