"Hanggang Kailan"
Ni:Camille Malate
Eto nanaman ako
Naghihintay sayo,
Iniisip ba kung hanggang kailan ako magtitiis
Upang maibalik ang ating pagmamahalan na walang kasing tamis
Ngunit hanggang kailan ang kaya ko?
Napapagod din ako, pero eto parin ako
Lumalaban sa gerang iyong inumpisahan
Na hindi alam kung ako ba ang mananalo o ang matatalo sa laban
Madalas man akong nadadapa sating dalawa
Pilit parin akong bumabangon at umaasa
Na maibabalik ko ang dating tayo
Na masayang nagmamahalan at lumalaban sa mapaglarong tadhana dito sa malupit na mundo
Alam ko ako nalang ang nagmamahal ng sobra
Dahil ito'y nararamdaman ko sa araw-araw na tayo'y magkasama
Pag ako ang kausap mo
Para bang gusto mo ng putulin ang usapan at umalis nalang sa harapan ko
Pero kahit ganon, nagtiis ako
Dahil mahal kita ng higit sa buhay ko
Pero hanggang kailan ang kaya ko?
Dahil nahihirapan na din ako, pero ang puso ko ay ayaw huminto
Alam ko tanga ako,
Pero wala kasi akong magawa para ipagsawalang bahala ito
Kaya ako ngayon ay nanalangin
Na ako sana'y matauhan
At ang hanggang kailan
Ay matagpuan ko ang hangganan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
ŞiirYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...