"Tinapos mo na"

12 1 0
                                    

"Nagsawa ka na"
Ni:Camille Malate

Sa bawat salita ng tulang ito
Sana maramdaman mo
Ang pagdadalamhati ng puso ko
Kung gaano ito sinira ng dilubyong dulot mo

Mahal kita, alam mo yan
Pero kung ikaw ay babalik muli
Sana hindi pa huli
Sana may ikaw pa'y may babalikan

Binigay ko naman lahat
Pero mukhng hindi ata sapat
Kasi nagsawa kana---
At wala akong magawa

Kundi ibuhos lahat ng sama ng loob sa pag iyak
Ilang buwan kaya akong magmumukmok?
Iiyak sa araw at gabi?
Pipigilan ang tinig na marinig nang iba dahil sa pag hikbi?

Ilang buwan kaya ako maghihintay?
Aabot ba ng taon bago ako muling mgkakulay?
Nakakalungkot na wala kana,
Na nagsawa ka

Pero dahil mahal kita
Aasa pa rin ako, kahit sawa ka na
Kung babalik ka man sa tabi ko
Sana wag ka ng umalis at tatakbo palayo.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon