"Tulong"
Ni: Camille Malate
Sa bawat gabing dumaraan
Unti-unti akong kinakain ng kalungkutan
Nasi kong kumawala
Ngunit hindi ko kaya
Dahil sa bawat araw at gabi na lumilipas
Ako'y lumulubog at di makaahon
Sa sakit na tumatagos
Sa aking damdamin
Di ko maintindihan
Ako'y nagiging makasarili
Pilit kong nilalabanan
Ngunit ako'y inaatake gabi-gabi
Halos buong magdamag naka tulala sa bubong
Nag iisip at umiiyak,
Nais ko ng paligid na payak
Ngunit kamatayan ang sa isip ko'y bumubulong
Hindi ko alam kung ako na'y masisiraan
Mahirap na din intindihin
Dahil paulit, ulit nalang din
Nagsasawa na din ako; tulungan!
A/N: Help me :(
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...
