"Guro"

25 1 0
                                    

"Guro"
Ni:Camille Malate

Sa apat na sulok ng silid aralan
Hindi siya nagsasawa na magturo sa harapan
Kahit paminsan-paminsan ay hindi na pinakikingan
Dahil sa mga kung anong chikahan at kwentuhan

Madalas man po kayo'y magalit
Pag kami'y nagchichikahan habang kayo po'y nagtuturo
Hangnga parin po kami dahil po sainyo sa kabila ng kami po'y magulo
Hindi niyo po kami iniiwanan at pinagpapalit

Kaya Aking mahal na guro
Salamat po sa pag tuturo
Dahil sainyo natuto po kaming sumulat at bumasa
Dahil po sainyo natutong po akong magbilang ng tama

Tinuruan niyo din po kami kung paano maging isang mabuting bata
At maging isang responsableng tao
Kaya salamat po aking guro
Sana po ay mas marami pa po kayong maturan na mga kabataan at huwag po kayong magsawa

Salamat din po sa mga new learning ma'am and sir!
Kahit po minsan nakakastress po ang mga activity na pinagagawa ninyo
O kaya po ay ang mga quiz na nakakabobo pag hindi po nagbalik aral sa mga tinuro po ninyo.

Ngunit kahit ganoon po
Maraming maraming salamat po.
Pasensya po kung madalas ang inyong estudyante ay maingay na parang nasa palengke
Pasenya na po kung ganyan ang buhay ng estudyante
"Natural na maingay"

Kaya nagpapasalamat po kami sa inyong pagtitiyagang turuan kami.
Salamat po sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman
Salamat din po sa oras na inyong inilaan saamin
Salamat po aking guro sa pag gabay saamin sa bawat sandali!

---

Happy teachers day po❤️ HAHAHA😂

A/N:Late kona na update here. Haha

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon